WAKAS

1.4K 78 20
                                    

IT HAD BEEN three months. At halos araw-araw ay gustong masiraan ng loob ni Ezio.

Pero sa tuwing maaalala niya ang matamis at magandang ngiti ni Xeen, nagkakaroon ulit siya ng pag-asa na babalikan siya ng dalaga. Dalawang dekada ngang nakapaghintay ang kanyang ama, siya ay tatlong buwan pa lang na naghihintay. Ni wala pa iyon sa kalingkingan ng katatagan ni Matthew. At ano ba'ng malay niya, baka mas paikliin ni Xeen ang paghihintay niya? Baka gawin nitong kalahating dekada na lang.

Hindi siya dapat na mawalan ng loob. Hihintayin niya si Xeen. Ano ba ang malay niya kung isa sa mga araw na dumadalaw siya sa dalampasigan ng San Juan ay biglang lumitaw si Xeen? O baka habang naglalayag siya ngayon sakay ng Cromwell ay bigla na lang sumampa sa lower deck ang sirena.

Hindi niya alam.

Wala siyang alam kung ano ang magiging bukas.

Ang tanging alam lang niya, there was nothing significant in his life if Xeen wasn't here with him. Dahil magmula ng araw na magising siya na wala sa tabi niya si Xeen pagkatapos ng pinakamasayang gabi sa kanyang buhay, para bang hindi na siya sinikatan ng araw.

Kandakumahog siya noon sa paghahanap kay Xeen dahil gusto niyang sa pagsalubong sa pagbabalik ng kanyang mama ay kasama niya ang babaeng pangangakuan niya ng habang-buhay.

Pero natapos ang araw at mga araw na hindi niya nakita si Xeen. Nahalughog na niya ang mga karatig na lugar pero wala maski bakas ni Xeen. Para itong bula na bigla na lang naglaho.
At hindi niya iyon matanggap magpahanggang ngayon.

“Bakit hindi ka man lang nagpaalam, Xeen?” parang wala sa sariling bulong niya sa hangin.

Nasa upper deck si Ezio at pinapanood ang tahimik na dagat. Gusto niya iyong murahin at utusang iluwa nito ang babaeng mahal niya. Kung ganoon lang sana kadali ang lahat, uubusin niya ang boses at lahat ng uri ng salita sa mundo, mapalutang lang muli si Xeen.
He could give up everything he had, he could do everything he could, just to have Xeen back in his arms again.

Pero ang masakit na katotohanan ay malaking iba ang sitwasyon niya sa iba pang tao na nawawalan ng mahal sa buhay. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Dahil kahit yata suyurin niya ang buong karagatan, hindi magpapakita si Xeen kung hindi nito gusto.

“Ang daya mo naman. Natunugan mo ba na hindi kita papayagang iwan ako kung nagpaalam ka?” muling pagkausap niya sa dagat.

Ganito pala kahirap at kasakit mangulila sa babaeng minamahal. Paano kaya nagawang magtiis ni Matthew nang mahigit dalawampong taon na nangungulila sa kanyang mama? Kung ganitong parang araw-araw, inaalisan siya ng buhay. Sa tuwing darating ang gabi na maliwanag sa kanyang natapos ang araw na hindi niya kasama si Xeen, gusto niyang panghinaan ng loob.

Idinadaan na lang niya ang lahat sa pagpo-focus sa kanyang residency. Sa wakas ay nakapili na siya ng specialization. Gusto niya ang hematology. At doon siya nakatutok ngayon.

Ang dahilan pa rin ng pagpili niya sa specialization na iyon ay si Xeen. Gusto niyang hanapan ng paraan kung paano magiging normal ang dugong dumadaloy rito. Baka may lunas ang kondisyon ng dalaga. At habang hindi pa ito bumabalik, magpapakadalubhasa siya.

Tama naman kasi sina Matthew at Rysia. Hindi dapat na huminto ang buhay niya sa pag-alis ni Xeen. Malamang na hindi rin naman ikatuwa ng dalaga kung maging stagnant siya habang wala ito.

“I've missed you, Xeen. I've really missed you.”

Pakiramdam niya, para siyang tanga na kinakausap si Xeen sa hangin. Samantalang alam naman niyang hindi nito maririnig at hindi rin ito sasagot.
Lumandas ang mga luha niyang wala yatang oras kung kailan ipo-produce ng masisipag niyang tear glands. Sa pagka-miss niya kay Xeen, wala na siyang ginawa kundi iluha ang pangungulila rito.

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now