Chapter 17

1.5K 62 28
                                    


NAALIPUNGATAN si Xeen nang may maramdamang malamig na dumampi sa kanyang balikat. Sa pagmulat ng mata niya, ang gwapong mukha ng natutulog na si Ezio ang nabungadan niya.

Nilingon niya ang bahaging may malamig na aura at nakita niya si Lukan na nakatungo sa kanya. Magsasalita sana siya nang ilapat nito ang isang daliri sa sariling labi sa paraang nagpapatahimik.

Kumilos si Xeen para hilahin ang comforter at itago ang sarili. Mas batang kaluluwa itong kaharap niya, hindi pa din niya gustong masilip nito ang kahubadan niya.

Pero sa aktong pagbangon niya ay biglang kumabig ang malakas na braso ni Ezio sa kanyang baywang. Possessively wrapping his arm around her and pulled her towards him. Napangiti si Xeen. Kahit sa pagtulog ay parang ayaw siyang pakawalan ni Ezio samantalang halos hindi niya mabilang kung ilang beses silang naging isa. Hinayaan lang siya nitong matulog nang halos mag-uumaga na.

"Kailangan mo nang bumalik. Nanganganib si Mama sa mundo niyo Xeen." Halata ang panic sa boses ng kaluluwa.

Maingat na kumilos si Xeen para makawala sa braso ni Ezio na hindi ito nagigising.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Lukan?" Sa gitna ng pagbibihis ay tanong ni Xeen sa kausap.

Parang binubundol ng kaba ang lambana dahil sa parang nag-aalalang tono ni Lukan. Inaatake din siya ng kanyang konsensiya dahil parang nararamdaman niya na may masamang nangyayari sa mundo niya pero heto siya at nagtatampisaw sa ligaya sa loob ng mga bisig ni Ezio.

"Ang mga nilalang sa elemental na mundo, nag-iipon sila ng mga kaalyado para sa pagsugod sa mga lambana at engkantado. At dahil bilanggo nila ang Mama ko, malamang na isa siya sa dadalhin para itapon sa labanan. Ano'ng magagawa ni Mama sa labanan na iyon? Isa lang siyang mortal. Mahina at walang kakayahan makipaglaban."

Parang pinunit ang puso ni Xeen nang marinig ang magkakahalong lungkot, takot at panic sa boses ni Lukan. Para sa isang anak na alam na nanganganib ang ina, alam niyang napakabigat sa dibdib nito na dalhin lang lahat ng mga nalalaman nito at wala itong ibang magawa para iligtas iyon.

Nilingon niya si Ezio na natutulog pa din ng mahimbing. Makikita sa mukha nito ang pagod pero mas lamang ang satisfaction at kaligayahan. Sa mismong unan nito nakapatong ang kamay kung nasaan nakasuot sa hinliliit ang singsing. At parang nananadya, kuminang iyon sa mismong kanyang mga paningin. Para bang inaanyayahan na siyang kunin sa daliri ni Ezio.

Hinaplos ni Xeen ang gwapong mukha ng lalaki at pinagsawa ang mga mata rito. Alam niyang ito na ang huli at kahit tumanggi pa ang puso niya sa kanyang desisyon, wala na din iyong magagawa. Mas pipiliin niyang matulungang maibalik si Rysia kay Ezio at makatulong sa kanyang lahi. Kaysa ang manatili sa tabi nito na dinadagukan ng konsensiya dahil pinili niyang maging makasarili.

Gusto niyang kabisaduhin ang bawat detalye sa mukha nito. Ang nag-iisang lalaki na gugustuhin at pipiliin niyang makasama kahit ilang beses pa siyang pagsungitan at sigawan.

Marahang hinubad ni Xeen ang singsing sa daliri ni Ezio at ikinulong iyon sa palad. Ngayong hawak na niya ang susi ng lagusan, alam niyang wala nang urungan. Alam din niyang hindi na siya makakabalik pa kay Ezio.

At hindi niya mapigilan ang pag-uunahan ng mga butil ng luha sa kanyang pisngi habang minamasdan ang kagwapuhan sa kanyang harapan. Sadness filled her whole heart as she opened her palm. Ang singsing ay agad na lumutang sa tapat ng kanyang palad at mabilis na binalot ng berdeng enerhiya.

Saglit pa at nagbago ang anyo ng singsing at naging dahon. Ang dahon mula sa Puno Ng Buhay. Ang dahon na may maliliit na tuldok sa edge. Na parang bulaklak na bumuka dahil ang mga tuldok ay nag-evolve din sa mas maliliit na katulad na dahon. Kumikinang sa kulay dilaw na liwanag ang edge ng dahon na korteng maliliit na mga dahon din ang nakapaligid.

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now