Chapter 5.2

1.2K 84 11
                                    



NAPAPAIGKAS ang kilay ni Ezio nang takang-takang bumaling sa kanya si Xeen. Nagsasalita kasi itong mag-isa habang nakatingin sa tabi nito na bakante naman.

"Ha? Ito, si Lukan daw pangalan niya," sagot nito, sabay turo sa tabi nito. "Sinungaling ka talaga, eh, 'no? Sasabihin mong walang bata dito? Ano'ng nakukuha mo sa pagsisinungaling?"

"Ha?" Tuluyan na siyang nagtaka.

Bumaling naman si Xeen sa gilid nito para lang magpalinga-linga ulit sa paligid. Parang may hinahanap.

"Nasaan na si Lukan? Lukan? Lukan!"

Tumayo si Xeen at hinanap sa buong silid ang kung sinong tinutukoy nito.

Si Ezio naman ay gustong sumakit ang ulo. Sino ang sinasabi nitong bata na si Lukan?

Ah!

Confirmed!

May deperensiya talaga ito sa pag-iisip. Sana lang ay bilisan ni Jyle ang paghahanap ng records ng babaeng ito at nang makapahinga na siya.

Walang maibigay na information si Ezio sa police inspector maliban sa pangalan at magandang description ni Xeen.

Humahalakhak sa kabilang linya si Jyle matapos niyang i-describe si Xeen. "Wow! Ang gandang diyosa naman niyang iniisip mong baliw."

"Oo. Maganda nga sana, pero mukhang nababaliw."

"Gusto ko siyang makita. Baka kasingganda siya ni Rosette," anitong nasa tono ang excitement.

"Sinong Rosette?"

"'Yong magandang dalaga na pina-check din sa akin ng buddy ko ang identity. Last month lang 'yon. 'Tapos biglang nawala. Hindi naman nagsasalita si Erastus kung saan na napunta ang alaga niya."

Marami pang sinabi ang kaibigan, pero mas nakatutok ang atensyon ni Ezio sa pagmamadaling malaman at ma-tract ang identity ni Xeen.

Xeen...

Napakaganda at rare na pangalan. Palagay niya talaga ay half-blood ito. At siguro may schizophrenia. May nakikita at kinakausap ito na hindi naman totoong nag-e-exist.

Gusto niyang maawa sa babae. Sayang talaga ito. Napakaganda pa naman.

"O, nandiyan ka pala? Bakit ka nagtatago diyan? Baka akalain no'ng walang utang-na-loob na si Ezio, nag-iimbento lang ako..." Napalingon si Ezio sa pinanggalingan ng boses ni Xeen. Nasa likod ito ng malaking display shelves. Napahakbang tuloy siya palapit

"Ano? Bawal kong sabihin? Bakit? Hindi ba niya alam na nandito ka....? Ha? Eh, paano ka nakarating dito? Hindi ka ba hinahanap ng mga kasama mo...? Oo, 'yon nga. Pamilya raw ang tawag n'yo sa mga kasama n'yo sa iisang bahay. Kami kasi, tig-iisa ng bahay bawat isa. Kaya wala kaming ganyan. Pero madami akong kaibigan..."

Nakita ni Ezio na nakayukod si Xeen sa space na wala namang nakalagay. Nagsasalita na naman itong mag-isa.

Naihilot niya tuloy ang isang kamay sa sentido. Wala na talaga siyang duda ngayon. Kailangan niya sigurong bumalik ng siyudad para patingnan si Xeen sa Tito Hugh niya.

"Xeen..."

Parang natigilan si Xeen na unti-unting tumayo nang maayos at bumaling paharap sa kanya.

"E-Ezio... a-ano...."

"Halika na. Magpalit ka na ng damit at magpahinga."

Parang gulat na gulat na tiningnan siya ni Xeen.

"H-hindi ka galit? Bakit ganyan ang reaksyon mo? Bawal mo daw siyang makita. Dapat hindi mo siya makita."

Hindi niya alam kung paano sasakyan ang imahinasyon ni Xeen. Kung magkukunwari ba siya na nakita niya ang hindi niya raw dapat makita. O umakto ng totoo na wala naman nga siyang nakita.

Ah, doon na lang siya sa madali itong kakalma.

"Wala naman akong nakita. Ano ba ang dapat kong makita?"

Bigla ang paglapad ng ngiti ni Xeen. "Ah, wala. Wala ka namang dapat na makita. O, tara na. Ligong-ligo na ako. Gusto ko na ding magbihis. Amoy-dagat ako eh." At nagpatiuna itong lumabas ng TV room.

Napalingon siya ulit sa lugar na tinitingnan ni Xeen kanina. Matagal niya iyong tinitigan. Wala namang unusual sa lugar na iyon but something felt creepy. Alagad siya ng siyensiya at hindi naniniwala sa mga bagay na hindi nakikita ng mga mata, pero ano itong eerie na nararamdaman niya?

Argh. Must be his imagination. Hindi naman nakakahawa ang schizophrenia, pero bakit parang gusto na rin niyang masiraan ng ulo sa mga nararanasan niya magmula nang sumulpot si Xeen sa buhay niya?

Iiling-iling na tumalikod na si Ezio at lumabas ng TV room, saka kinabig ang pinto pasara.

NAUPO si Lukan sa couch at malungkot na sinundan ng tingin ang papasarang pinto.

"Ezio... be good to her. Siya ang pag-asa mo para makita at mailigtas si Mama."

A/N: Para po sa mga nagtatanong, eto na po! Lumabas na si Lukan! Yung anak din nina Rysia at Matt. Enjoy!

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now