Chapter 17.1

1K 38 6
                                    


"Gaano pa katagal kaya ang natitirang oras?"

"I'm sorry, Xeen. Mga limang oras na lang."

Lalong nalumbay ang expression nito at gustong-gusto na niyang magtanong.

Pero nahinto iyon nang biglang ngumiti si Xeen at abutin ang kamay niya. "Alright! Tapusin na natin ito. I-locate na natin si Rysia para makauwi na sila."

Magtatanong pa sana siya nang lumitaw na naman mula sa likuran ni Ryker ang isang pintuan at pinapasok sila. Mas nakakamangha ang laman ng silid na pinasukan nila dahil mas modern pala roon. Dinaig ang computerized gadgets and facilities ng mga tao sa mundo niya. Kusang lumilitaw sa isang pitik ang anumang mga kailangan. May kung ano-anong bola ng enerhiya sa iba't ibang kulay na bigla na lang magta-transform sa iba't ibang bagay. Katulad ng pinto, hagdanan at maraming silid.

Pero sa kabila ng pagkamangha ni Ezio, nandoon ang walang kahulugang nag-aalalang damdamin niya. Lalo na sa mga sandaling inaakala ni Xeen na hindi siya nakatingin dito at nababasa niya ang pinaghalong takot, lungkot at walang kapantay na sakit.

Bakit? Ano ang problema? Ano ang ibig sabihin ng pinag-usapan ng dalawa nina Ryker at Xeen? At may napakahalagang bagay bang hindi sinasabi sa kanya si Xeen?

PS: Sorry, I have to delete a scene. Sa printed copy po makikita. Pero last na po yan. Last na yan sa babawasin. Buo na ang mga susunod na chapters.

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now