Chapter 8.1

1K 68 0
                                    

"ITO! Gusto ko ito!"

Tuwang-tuwang itinuro ni Xeen ang moss green na halter dress na mumurahing silk ang tela habang hinihila si Ezio sa braso.
Naroroon sila sa kabayanan ng San Juan at balak ipamili ng damit nito si Xeen. Pero ang babae, talagang mahilig yata sa mga revealing na damit. Lahat ng itinuro nito sa kanya, masyadong bulgar. At ang utak niyang palaging lumiliko sa marumi, hayun at gumagawa ng sariling imahe na suot ni Xeen ang mga damit na gusto nito.

Hindi pa nga siya nakaka-recover sa nagbabaga niyang pakiramdam kaninang pinag-uusapan nila ang hotdog at tahong.

Argh!

Gusto niyang sapakin ang sarili. Napakainosente ni Xeen at hayun siya na ang walang malisyang tanong nito ay nagagawang marumi sa kanyang utak. Sino ba naman ang hindi mag-iisip ng makamundo kung ganoon ang topic nila? Halos maubos niya ang dalawang pitsel ng tubig para lang patayin ang pag-aapoy sa kanyang mga himaymay.
At hindi nakuha sa pag-inom ng malamig na tubig, nagbabad siya sa shower habang pinapakalma ang sarili.

"Ayoko n'yan," matigas na tanggi niya. "Masyadong maiksi."

Sinimangutan siya ni Xeen.

"Ay, hindi naman po, Kuya. Tama lang ito sa kanya," sabad ng tindera na halatang gusto lang namang makabenta. "Saka maputi siya. Babagay sa kanya ang kulay. Halika, Miss, isukat mo. Bagay 'to sa 'yo..."

Magsasalita pa sana siya nang walang pakialam na sumama na nga si Xeen sa tindera sa loob para mag-fit. Wala na siyang nagawa dahil parang tuwang-tuwa din si Xeen sa pambobola ng tindera.

Napapikit nang mariin si Ezio para mabawasan ang iritasyon. At tuluyan iyong naglaho nang sa pagmulat ng mga mata niya, lumitaw si Xeen sa harapan niya, suot ang halter dress. Tama rin ang tindera. Nag-blend talaga sa kutis ni Xeen ang kulay ng damit. Half-thigh length iyon at hindi naman sobra ang pagkakabuka sa likod. Mas lalo tuloy lumutang ang ganda ni Xeen. Para itong diyosa ng kagubatan sa pinaghalu-halong kulay burgundy na buhok, moss green na damit at mala-sutla sa kinis na balat.

Ah! Why does she look so perfect?

Kahit mumurahin lang ang tela, nagmukha iyong elegante nang maisuot na ng dalaga. Lapat na lapat ang tela sa perpektong kurbada ng dalaga. She looked so damn sexy! Her lips looked so sensual that he wanted to crush his lips into hers. He wanted to taste those tempting lips of her.
Napabuga ng hangin si Ezio. The air felt so erotic again. His carnal need for her was driving him crazy. Inilayo niya ang mga mata kay Xeen. Baka hindi siya makapagpigil sa sarili at mahablot ito sa baywang at walang pakialam na mahalikan, mapagbigyan lang ang sarili.

"O, 'di ba, Kuya? Bagay naman sa kanya?" sabi ng tindera na hindi niya alam kung ipagpapasalamat o ano. Parang tuwang-tuwa ito na madamitan si Xeen at hindi lang dahil gusto nitong makabenta.

Sabagay, parang isa naman talagang buhay na mannequin si Xeen na ang sarap damitan. Parang lahat ng isuot nito ay babagay dito.

"Gusto ko nito, Ezio. Madami ka namang pera, bilhin mo na ito. Para may pamalit itong bestida ko," ungot ni Xeen na inihain pa sa kanya ang gula-gulanit na bestidang suot kanina.

Naiirita siya kapag nakikita iyon. Naiisip niya kasi na posibleng nabastos nga ito sa may dalampasigan kanina. At wala man lang siyang nagawa!

Kaya nga agad siyang tumawag sa barangay hall kanina para iparating ang kanyang reklamo, na sana bigyan talaga ng aksyon ng nga opisyal ng barangay.
Hinablot niya ang hawak ni Xeen na bestida at ishinoot sa basurahan sa may gilid.

"Magkano 'yong suot niya, Miss?" baling niya sa tindera.

"Bakit mo itinapon? Sayang naman 'to."

Nagbabayad na si Matthew nang malingunan si Xeen na kinukuha ulit ang bestida.

"Napakaaksaya mo talaga. Tapon ka nang tapon ng--"

Hinala na niya ito sa braso. "Iwan mo 'yan diyan. Ibibili kita ng bago. Ayoko nang isuot mo 'yan."

Dahil pinapaalala ng bestida na 'yon na wala akong nagawa nang mabastos ka!

Nagtagisan ang mga bagang ni Ezio. Hinding-hindi na niya papayagang mabastos ito ulit. Hindi niya ito hahayaang mawala sa tabi niya para hindi na maulit ang nangyari. Baka makapatay na siya.

"Talaga? Ibibili mo pa ako ng isa pa?" Nangingislap ang mga mata ni Xeen na lumambitin sa braso niya.

Gusot pa rin ang mukha na tumango siya.

"Talagang-talaga?" pangungulit nito.

"Oo," patamad na sagot niya.

"O, tara na! Ano pa'ng hinihintay mo?"

At nakaladkad na naman siya nito papunta sa kasunod na boutique. Puro dress ang trip ni Xeen. Hindi man lang naisip bumili ng underwear kaya siya na ang kumuha ng sa palagay niya ay size nito. At hayun na naman ang utak niyang napi-picture out sa isip ang imahe ni Xeen habang suot ang mga iyon.

Ah! He was getting really, really crazy about her. Darn!

Ikinuha na lang din niya ng ilang denim shorts at crop tops si Xeen na palagay niya ay babagay din sa dalaga.

Hah!

He had never felt so happy buying things for a woman. Nagkaroon din siya ng mga girlfriend at lahat iyon ay ginastusan niya, pero hindi siya nakaramdam ng kaparehong enjoyment na nararamdaman niya habang ipinagsho-shopping si Xeen. Not that he regretted buying things for his exes. It was just that, the pleasure was real when he was with Xeen. At kung hindi niya na-witness ang mga bagay na magpapaisip sa kanya na may diperensiya ito sa utak, he would think Xeen was just a simple woman. Na may simple ring kaligayahan.

Looking at her right now, para itong bata na ngayon lang nakakita ng magagandang damit at sapatos. Enjoy na enjoy sa pagsusukat. Ang sisimple ng mga design na gusto nito pero medyo revealing. Medyo bold, just like her personality. She was bold, fearless, transparent and always straightforward.

Her favorite color suited her, too. Red. Hot red. She was really hot!
Hindi niya mapigilan ang sarili na paliguan ito ng napakaraming adjectives. Dahil wala namang dahilan para hindi niya magawa. Nakikita niya iyon ng malinaw sa dalaga. Kaya kailangan niya talagang makita ang pamilya nito bago ikonsulta kay Tito Hugh ang kondisyon ni Xeen.
He wanted her to get well. At siguro, saka na niya iintindihin ang kung anumang damdamin na kumukudlit sa loob ng kanyang dibdib.

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now