Chapter 18

1.2K 61 41
                                    

“'AYUN siya...”

Itinuro ni Ryker mula sa malaking telescreen si Rysia. Nakasuot ito ng salakot at itim  na hoody coat na nakatali lang sa gitna ng leeg at dibdib. Isa ito sa mga nasa likuran ng mga itim na duwendeng may dalang mga tabak at kung ano-anong patalim. Sa isang bahagi ng telescreen, ipinapakita naman ang iba pang hukbo at lupon ng mga elemento at engkanto. Mga tikbalang, tiyanak, aswang, manananggal at kung ano-ano pa.

“Lahat ng bihag nilang mga tao, kasama sa mga ipapain nila sa labanan. Kapag naubos ang mga bihag, saka sila kikilos. The captives were under there spell. Gagawin ng mga bihag na pumatay ng mga lambana at hindi nila kaanib kahit kapalit pa ay buhay nila. At papasugod na sila dito,” mahabang salaysay ni Xyro na siyang nakaharap at nagma-manipulate sa telescreen.

“Teka, hindi n'yo puwedeng patayin ang mama ko,” biglang tutol ni Ezio. Dumeretso at titig na titig ang mga mata nito sa telescreen kung nasaan ang ina.

“Gagawin namin ang lahat para hindi masaktan ang mga taong bihag. Si Dylan ang bahala sa pagbali ng spell. Pero dapat mailayo agad sila sa labanan, kung hindi ay kami ang mapapatay nila.”

“Tutulong akong makuha ang mga bihag at mailayo,” prisinta ni Xeen. Iyon na lang naman ang maitutulong niya sa labanan yamang wala siyang sapat na skills para makipagbakbakan. Medyo napapag-iwanan siya ng mga kaibigan dahil habang wala siya ay nasa training naman ang mga ito. “Kailangan lang na nakasahod na si Dylan sa entrada pa lang nitong puno para mas maging mabilis ang lahat.”

“Sinabihan ko na si Dylan. Nasa training ground pa rin siya hanggang ngayon at iniisa-isang i-orient sa bagong armas ang lahat ng mga lambana,” sagot ni Xyro.

Nahulaan niyang gamit ang isip ay nag-uusap-usap ang mga miyembro ng konseho maski hindi magkakaharap.

“Nakaipon din ako ng dagta mula sa dahon ng Puno Ng Buhay.” Iniangat ni Xeen ang container na nakatali sa kanyang baywang. Hindi naman iyon kalakihan at walang bigat ang dagta kaya kahit puno ang container ay wala siyang maramdamang bigat mula roon.

“Mabuti naman at bago natunaw ang dahon ay naglabas muna iyon ng dagta. Hindi na nagpo-produce ng dagta ang Puno Ng Buhay,” ani Ryker na tiningnan si Ezio. “Huwag kang mag-alala, tagalupa. Mapapalitan ng ibang metal na bagay ang singsing ng iyong ina. Hindi na nga lang katulad na disenyo.”

Biglang naiangat ni Ezio ang kamay. Mukhang ngayon lang nito napansin na wala na sa daliri nito ang singsing.

“I'm sorry. Kailangan kong kunin 'yon dahil kailangan ko nang makabalik,” agad na hingi ni Xeen ng paumanhin.

Pakiramdam ni Xeen, quota na siya sa mga kasalanan kay Ezio. Hindi niya agad nasabi ang kondisyon ng ina nito sa elemental na mundo. Hindi niya rin inamin na nababasa niya ang iniisip nito. At ngayon, ninakaw niya ang singsing ng binata. Parang wala na siyang mukhang maihaharap dito. Paano pa siya nito mamahalin kung ilang beses na binigyan niya ito ng dahilan para huwag magtiwala? Ang tiwala ang pundasyon ng pag-ibig. At kung ganito na maya't maya, may natutuklasan itong panlilinlang niya, paano pa? Wala na siyang pag-asa...

“Magsipaghanda na kayo! Lumulusob na ang mga elemento!”

Nataranta si Xeen sa nagmamadaling boses ni Xyro. Naghagilap naman si Ryker ng sandata nito. Ganoon din si Xyro. Mula sa telescreen, nakikita niyang pinapaulanan sila ng mga bolang apoy mula sa labas ng teritoryo nila.

“Pumuwesto na tayo bago nila tayo mapasok. Alam n'yo na ang gagawin... Xeen, iwan mo dito ang mortal. Wala siyang magagawa. Baka mas na mapahamak pa siya.”

Nang tumango siya ay tumalikod na ang dalawa at naunang lumabas ng silid. Umakma na siyang susunod sa mga ito nang hablutin ni Ezio ang braso niya.

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Onde histórias criam vida. Descubra agora