Chapter 10

789 44 8
                                    

A/N: There's a special part that can only be seen sa published item. I'm sorry kung kailangan ko mag-cut ng part. Treat po yun para sa mga bibili. I just wanted to be fair lang po. And, hindi naman po iyon makakaapekto sa takbo ng story. Maiintindihan niyo pa din po ang mga ganap sa nobela kasi tatapusin ko naman po ang posting. :) Maraming salamat sa pang-unawa.

****

KALALABAS lang ni Ezio ng technical room. Naging napakaingat niya sa pagsalisi roon matapos asikasuhin ang bill. Hinayaan muna niya sina Tito Hugh at Xeen na mag-usap para din magawa niya ang planong pagde-delete ng data ng babae. Kailangang sa pag-alis nila roon ay wala nang bakas ni Xeen. Para din maputol na ang kung anumang babagong sibol na pag-uusisa ni Vince.

Kung bakit niya ginagawa iyon, simple lang ang dahilan. Gusto niyang protektahan ang dalaga. Lalo pa sa ganitong sitwasyon na wala ito maski sino maliban sa kanya.

Yes, he was officially appointing himself to be her guardian. Ayaw niya. Ayaw ng utak niya. Pero kabaligtaran ng sinasabi ng utak niya ang mga kilos at desisyon ni Ezio.

Bahala na.

Ang dalawang salitang iyon na lang ang nagiging sandalan niya. Maano ba kung gawin niya iyon para kay Xeen? Kaysa naman sa maya't maya siyang sisinghalan ng kanyang konsiyensiya.

Pabalik na ang binata sa room ni Xeen at baka tapos na itong i-evaluate ni Tito Hugh, pero may naabot ang tingin niya sa kabilang pasilyo. Kilala niya ang built ng lalaking papalayo maski pa nakatalikod na ito. Patakbong hinabol niya iyon.

"Jyle!" malakas na tawag niya.
Nakatatlong tawag pa siya bago iyon lumingon. Dahil sa mga nangyari, nakalimutan na niya itong tawagan at abisuhan na nasa siyudad sila at wala sa rest house. Baka dinala na nito sa San Juan ang mga kailangan niyang tao ay hindi niya pa nalalaman.

"'Oy, pare. Ikaw pala. Akala ko nasa San Juan ka?" Napakunot-noo ito na parang nagtaka. Sa sarili. "Nabanggit mo sa 'kin na nasa San Juan ka, tama?"

Siya naman itong natigilan at medyo nalito sa tanong ni Jyle. Pero hindi na niya iyon pinansin. Mas importante ang tanong niya. Bumuwelo muna si Ezio.

"Ano'ng ginagawa mo dito? May pasyente kang ipinasok?" polite na tanong niya sa kaibigan. Paraan na rin ng pangungumusta.

"Ah, oo. 'Yong isa sa mga witness sa assignment na hawak ko, ini-interview ko lang," anito na tinapik siya sa braso. "Ikaw? Balik-trabaho?"

Umiling siya. "May nangyari kasi kay Xeen kaya nandito na naman ako."

Sandaling kumunot ang noo nito. "Xeen... 'yong maladiyosa sa kagandahan at ka-sexy-han na pina-background check mo sa 'kin? Bakit? Ano'ng nangyari sa kanya?"

Nagliliparan ang mga kilay ni Ezio sa paraan nito ng pagkakaalala kay Xeen. Aminado siyang napakaganda at napaka-sexy naman nga ni Xeen, pero hindi niya gusto ang ideya na nag-iiwan ito ng pantasya sa utak ni Jyle. Obvious iyon sa paraan ng pagkislap ng mga mata nito habang nagtatanong sa kanya at gusto niya talagang mairita.

"Nawalan siya ng malay pero okay naman na. Actually, palabas na kami ngayon at iuuwi ko na siya."

Napatango-tango si Jyle.

"So, nakausap mo na ba? Nakumbinsi mo na sila?" singit agad niya sa kanina pa niya kating-kating itanong.

"Ha?" litong tanong din nito.
Maski siya ay napapaarko na ang kilay. "'Yong Rosette at Erastus? 'Di ba sabi mo sa 'kin no'ng dalawin mo ako sa rest house, kakausapin mo pa 'yong buddy mo bago mo kami iharap sa kanila n'ong babae niya?"

"Ano? Teka lang pare..." awat nito sa kanya. "'Yong buddy ko si Razee, 'yon ba? Siya ba? Pero madami siyang babae at wala akong matandaan na may Rosette ang pangalan sa kahit na sinong idine-date niya. Baka nagkamali ka ng dinig. Saka 'di ko maalala ang usapan natin na sinasabi mo." Sandali itong natigilan na parang naghahalukay ng mga alaala sa isip.

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now