Prologue

4.8K 72 1
                                    

"Malelate ka na sa flight mo."

"Tita don't worry, nakasakay na ako. Excited na akong umuwi!" Masaya kong sambit sa kabilang linya.

"Sya kailangan ko ng ibaba ang telepono, may aasikasuhin pa ako."

"Bye Tita," matamis kong paalam bago i end ang tawag.

.

.

.

Kasalukuyang nakasakay ako sa bus patungo sa airport. Habang nasa biyahe ay naisipan kong makinig na lamang sa radio.

Napapangiti ako sa bawat sinasabi ng DJ na isa sa mga nakasama ko ng ilang taon. At habang nirereview ang bagong kompanya na inaplayan ko ngayon sa Plipinas. RMF station ang pangalan ng kompanyang iyon, nakalagay sa brochure ang picture ng may ari, naagaw naman ng atensyon ko ang anak nila. 

Jeanne Sheek Ramirez. Basa ko nakasulat, nag iisang anak nila na napakalaki ng ngiti sa picture.

Maganda siya, parang ako lang ha ha. Napangiti na lang ako sa itinutya ng aking isipan.




.

.

.

Mabilis din akong nakarating sa airport, at habang naghihintay ay tila may pamilyar na mukha akong nakita.

I saw her but I can't remember when and where. Bigla kong naalala ang brochure na hawak ko. Tama siya nga 'to. Nakangiti kong sambit habang nakatingin sa kanya at sa brochure na hawak ko.

In fairness mas maganda siya in person. 

"Excuse me Miss!" Sigaw ko sa kanya.
Lumingon din agad siya pero biglang dumaan ang napakaraming tao sa harapan ko.

Calling the attention of all passengers Spain Airlines booked on flight 321A to Philippines. Please proceed to gate 3 immediately. I repeat, to all passengers of Spain Airlines booked on flight 321A, please proceed to gate 3 immediately.

Hinintay ko munang maubos ang mga taong mga dumaan bago tumungo sa gate 3, ngunit lumipas ang mahigit limang minuto bago maubos ang mga dumadaan at wala na roon ang babaeng tinawag ko kanina.

This is the final boarding call for passengers of  Spain Airlines booked on flight 321A to Philippines, please proceed to gate 3 immediately. I repeat, to all passengers of Spain Airlines flight 321A please proceed to gate 3 immediately.

Napakamot na lang ako sa batok ko at dali daling tumakbo patungo sa gate 3, dahil last call na sa mga pasahero.

Saan naman siya pupunta?

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now