Chapter 19: The Kiss

851 11 0
                                    

Chapter 19: The Kiss

.
.
.
.
.

Kai's POV

Pansin kong kanina pa nagsusukatan ng tingin at sulyapan ang dalawa. Tila may hindi ako alam sa mga ikinikilos nila, napapakunot noo na lang ako sa bawat galaw nila. Hayy ewan ko ba dito sa dalawang ito.

Katatapos lang ng lahat ng dumating ang pagkain para sa meryenda, umupo na ako sa lamesa dahil nagugutom na rin ako.

"Kai favorite mo ito diba?" Napalingon ako sa dalawa ng sabay nilang ialok sa akin ang slice ng hawaiian pizza. Pansin kong nagkatinginan sila ng kunin ko ang slice ng special beef. Ewan ko sa kanilang dalawa, parang nagpapagalingan lang.

After naming kumain ay agad na rin kaming nagpack up. Hindi ko dala ang kotse ko kaya magtataxi na lang ako pauwi.

"Kai sabay ka na sa akin." Inangkla ni Jane ang kamay niya sa braso ko ng sabihin iyon, nagulat ako sa kanya kaya tinanggal ko iyon. Naalala ko nasa office pa pala ang iba kong gamit.

"Babalik ka ba sa office?"

"Oo, bakit?"

"Naiwan ko kasi ang sling bag ko."

"Sige sabay na tayong pumunta." Nginitian niya ako na akala mo ay nanalo sa lotto, dahil abot hanggang tainga ang ngiting iyon.

"Sumabay na lang kayong dalawa sa akin, para pati hindi na kayo mamasahe." Pansin kong naparoll eyes si Jane kaya medyo nalito ako.

"Sige hindi na pala ako sasabay, may pupuntahan pa pala ako." Agad na sambit ni Jane.

"Diba sabay tayong babalik sa station?" Patanong kong sambit. Sumakay na kami ni Jane sa kotse ni Ela pabalik ng station. Tanging ako lang ang nagsasalita sa loob ng sasakyan, nasa passenger seat ako habang nasa back seat naman si Jane na busy sa cellphone niya. Hindi ko na alam ang dapat isipin sa kanina pang pagalingan nilang dalawa. Hindi naman sa ayaw kong maniwala sa nasesense ko sa dalawa, but I feel something I don't know about them. Tila may something na dapat kong malaman about them.

Oh my! What if?

No, no way! Bulalas ng isip ko ng may sumagi sa isipan ko.

Yes way, tanungin mo kasi ang friend mo. Tsaka wala namang masama. Oo tama, wala namang masama. All this time hindi ko naisip iyon, pero baka hindi naman. Nag eexagerate lang siguro ako, pero baka naman sasagutin ni Ela ang tanong ko. Hayss bahala na mamaya.

Pasulyap sulyap siya sa harapan kung saan nakapwesto si Ela, doon may biglang nag pop up sa utak ko na isang tanong na pwedeng  sagutin ni Ela sa kahit anong paraan.

Napansin kong mabagal ang pag usad ng sasakyan, tila heavy traffic ang dinaang ruta ni Ela. Kaya medyo napaubo ako na siyang ikinatingin niya sa akin. Nagtatanong ang mga niya ng tumingin sa akin, mabuti at nakatigil ang sasakyan hindi na kasi inalis ni Ela ang tingin niya sa akin ng senyasan ko siya na agad naman niyang nagets. Napapoker lang siya na tila nag iisip kung paano sasagutin ang tanong ko.

"Hindi naman kayo nagmamadaling dalawa, diba?" Napatingin si Jane sa amin ni Ela ng marinig niya iyon.

"Kain muna tayo bago ko kayo ihatid." Napalingon ako kay Ela sa sunod niyang sinabi, halatang gumagawa ng paraan.

"Sorry madami pang nakaabang na trabaho sa station, ihatid mo na lang kami ni Kai. Tsaka kakakain lang natin kanina." Isang idrea ang biglang nag pop up sa isipan ko ng marinig ang pagtanggi ni Jane.

"Oo nga, pero nagugutom pa rin ako."
Pagdadahilan ko.

"But we're on diet." Papilit na sabi ni Jane, pero halatang gusto din naman niya.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now