Chapter 2: Café Morina

2.7K 46 0
                                    

Chapter 2: Café Morina

.

.

.

Kai's POV

Magdadalawang araw pa lang ako sa trabaho ko, hindi naman ako ganoon kapamilyar sa kanila ngunit panatag ang loob ko sa mga katrabaho ko, lalong lalo na sa kaibigan ni Tita. Napakabait niya, napakamaaalahanin at hindi siya katulad ng ibang boss, 'yun bang boss na hindi nakikinig sa suggestion ng mga employee.


"Kai 6 am to 9 am ang duty mo, from Monday to Friday. And every Saturday may evening duty ka ng 8:00-10:00."

Napalingon ako kay Joana ng sabihin niya iyon, secretary ni Tita Gia. 

Tumango tango na lang ako bilang tugon. May sarili na akong table ngayon kaya medyo komportable ako sa bawat galaw ng secretary ni Tita Gia. Maya maya pa ay tumayo na ako sa kinauupuan ko ng senyasan ako ng operator, meaning ako na ang sasalang. What I mean is next dahil mag aalas sais na ng umaga. 

Kailangan kong maaga palagi gumising ngayon dahil 6 hanggang 9 ng umaga ang schedule ko.





I operate the computer to enlist some sound effects that I need for my session. Katulad din ito sa Spain kaya medyo sanay na ako sa bawat buttons.

"Good morning good morning, hello Philippines and hello World. I'm DJ Kally checking in, it's exactly 6:00 in the morning."

Sabay pindot sa sound effects na hinanda ko.


"Sa mga may pasok ng alas sais ng umaga, gising gising na and prepare your things. Magandang magandang morning sa inyong lahat, ang taas talaga ng energy ko tuwing umaga alam niyo ba kung bakit? Syempre kumain ako, hahaha. Kaya sa mga hindi pa nakakapag umagahan tara sasaluhan ko kayo with our relaxing music this morning sasamahan pa natin ng malulupit na batian ng madla."

"Pero bago iyan binabati ko nga pala ang Tita ko na si Andrea, hello Tita pinagluto nga pala kita ng omelet sana magustuhan mo. Okay so simulan na natin ang relaxing music natin this morning. Sa mga gustong magpabati, comment lang kayo sa wall ko, just search DJ Kally, kapag nakita niyo ang picture ng isang dyosa ako na 'yun hahaha ang assuming ko. Pero guys comment lang kayo dahil ipaparating ko ang comment niyo. Okay, bago ang lahat gusto ko munang pakinggan ninyo itong isa sa favorite relaxing music ko, enjoy your breakfast with this song."

Agad ko ding pinindot ang isang music na nakakapagparelax sa akin.







After a several hours, natapos na rin ang time ko. Lumabas na ako sa kuwartong iyon at agad na uminom ng tubig.

"Good Job Kai."

"Thank you po," nakangiti kong sambit kay Tita Gia at sa kasama niya, 'yung kaninang operator.

"Everyone, before lunch may meeting tayo, okay?"

Meeting? Agad agad meeting. Ano naman kaya ang pag uusapan? Haisst makapagpahinga nga muna sa table ko.



"Kai ang galing mo naman kanina."

Dalawang babae ang lumapit sa akin matapos kong makapasok sa office.

"Ahm salamat po."

"Caren nga pala, siya naman si Venisse."

Pagpapakilala sa akin ng dalawang bagong DJ.

"Diba kayo ang next?"

"Ah hindi, mamayang hapon pa kami. Kailangan lang namin umattend ng meeting."

It's ComplicatedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin