Chapter 8: Ex

1.1K 18 0
                                    

Chapter 8: Ex

.
.
.
.
.

Kai's POV

I open my laptop ng magnotif sa cellphone ko ang group chat ng station, bida sa usapan si Racel ang isa sa bagong DJ. Aaminin ko nakaka attract ang hitsura ni Racel para magDJ. I already knew him, he was the boy who transferred at my school in Spain but after a couple months he dropped out, nasuspende din siya bago siya magdropped. Ang dahilan ay ang palda kong nabuhusan ng coke. Naging close ko siya sa pagiging boyish ko pero ng malaman kong nagdropped out siya ibinalik ko ang pagiging lalaking ugali ko, ayaw kong napapansin ng mga kaklase ko na mahina at lampa ako kaya naisipan kong umasta bilang lalaki.

"Kai hindi ka pa ba nagugutom?" Natigilan ako sa pag iisip ng marinig ang boses ni Tita. Bitbit niya ang tray na may lamang pagkain habang papalapit sa aking kinauupuan. Hinipo niya ang noo ko para alamin kung mataas pa rin ang temperature ko.

"Sigurado ka bang kaya mo ng pumasok bukas?" I look at auntie's eyes that moment, halata sa mata niya na nag aalala siya ng sobra.

"Tita kaya ko na po, tsaka iilang araw pa lang ako sa trabaho may absent na agad na ako. Diba ang pangit naman po ng record kapag ganoon?"

"Depende naman iyon sa sitwasyon, iba naman ang kaso ng sa iyo. Kaya huwag mong alalahanin ang ganyang klaseng bagay."

"Tita kilala mo ako, ayaw kong may pangit na record sa trabaho. Remember noong unang apply ko ng trabaho?"

"Tinawagan ako ng Mommy mo, at ang sabi tawagan kita dahil halos hirap ang karamihan mag apply sa gusto mong trabaho, nakapasa ka nga but after 2 months ikaw naman ang agad na umayaw."

"I have a reason why I quit to that kind of job."

"Kumain ka na, para makainom ka na ng gamot." Sinunod ko na lang si Tita para maging maayos na ang pakiramdaman ko.

.
.
.
.
.

Andrea's POV

Ramdam kong may hinanakit pa rin si Kai sa dibdib niya noong araw na iyon. Kahit ako ikinagulat ko ang isa sa masaklap na pangyayaring iyon. Hindi ko nagawang ipagtanggol ang pamangkin ko noong mga pahanong iyon, pero alam kong ako lang ang tanging pinagsabihan niya sa bagay na iyon. Mas close kami ni Kai kaysa sa Mommy niya na palaging busy.
Kumain na siya, then after ay uminom na rin siya ng gamot.

"Tita pwedeng dito ka muna matulog?"

"Bakit? Namiss mo ba ang katabi ako?"

"Hindi naman po, gusto ko lang po ng katabi ngayon."

Niyakap ko ang pamangkin ko sa mga sandaling iyon, parang gusto ko tuloy magkaanak sa mga oras na ito. Oo tama kayo ng basa, wala pa akong anak kahit asawa. Single pa rin ako but ready to mingle, pero nagkaroon na ako ng boyfriend before pero ayaw ko ng balikan ang araw na iyon. Bata pa naman ako kaya ito naghihintay pa rin na may dumating. 35 lang naman ako, diba bata pa ako. Parang kapatid ko na nga si Kai, hintay lang ng kaunti at siguradong may darating ding. Humiwalay na ako sa pagkakayakap after a minute.

.
.
.
.

Nilingon ko si Kai na nakapikit at mahimbing sa pagtulog. Ang laki na talaga ng pinagbago ng pamangkin ko

.
.
.
.

Jane's POV

Kakauwi ko lang mula sa trabaho, halos 9:00 na ng gabi ng makauwi ako dahil sa sunod sunod na trabaho. Napag aralan ko naman na lahat ng gagawin sa station pero ibang iba pala talaga ang expectation sa reality. Pinaghalong saya at pagod ang nararamadaman ko ngayon dahil din sa nangyari kahapon, I did not expect na mangyayari iyon. Sa pagkakaalam ko may boyish side si Kai, pero gaya nga ng sinabi ni Mommy babaeng babae na siya.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon