Chapter 9: Jealous

1.1K 20 0
                                    

Chapter 9: Jealous

.
.
.
.
.
.
.

Kai's POV

"Ela sinabi ko naman sayo na tigilan mo na yang drama mo sa ex mo!" Sigaw ko sa kabilang linya, napatingin sa akin ang mga taong nasa paligid ko. Nakasakay kasi ako sa RMT, ang hirap kasi sumakay ngayon sa taxi dahil sa nasirang tulay sa South Boulevard, kaya napilitan akong sumakay ng RMT.

"Kai, porket hindi mo pa nararanasan ma inlove kaya ang dali mong sabihin ang ganyang bagay!" Napakunot ako ng noo dahil sa sigaw niya. Baka nga, kahit best friend ko 'tong babaeng 'to hindi ko magawang sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ng walang hiyang professor na iyon.

"Oo na po, kayo na po ang may experience. Teka maiba ako, kailan mo ba ako dadalawin dito sa Pilipinas?"

"Naku Kai! Huwag ngayon, at baka makita ko pa ang pagmumukha ng babaeng iyon. Tsaka masaya na ako dito sa Europe."

"Next month na ang birthday ko, hindi ka man lang ba aattend?"

"Ay oo nga pala! Teka huwag mo nga akong bigyan ng ganyang klaseng dahilan, tsaka hello! Kai, August pa lang ngayon!"

"Kaya nga! Nakikinig ka ba sa akin, sinabi ko ngang sa ibang buwan na ang birthday ko. Bingi ka ba?!"

"Hay naku Kai! Mamaya na lang tayo mag usap, magpapakayaman muna ako dito. Bye, love you muwah!"

"Sige Bye-----
Napapikit ako ng mata dahil sa agad na pag end ng call ni Ela.

Kahit kailan talaga ang babaeng iyon. Ang hilig akong babaan ng telepono.

.
.
.
.
.

"Kai, sobrang aga mo naman." Napatingin ako sa wrist ko, 9:35 na ng umaga.

"Diba po ang sabi niyo kailangan kong maging maaga."

"Kaya nga, pero 11:00 pa ang start ng photoshoot. 10:30 ang call time." Napakamot na lang ako sa batok dahil sa sinabi ni Erin. Nagpalinga linga ako, pansin ko kasing wala pa si Jane. Diba siya ang model, dapat maaga din siya.

Hinahanap mo ba ang nag alaga sayo noong nakaraang araw? O namimis mo siya? Napataas ako ng kilay, dahil sa tanong ng isip ko. Binatukan ko ang sarili ko at para akong timang na sinasaktan ang sarili.

"Huwag mong saktan ang sarili mo, baka magtampo sayo 'yan." Napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran ko. Napalunok ako ng makita siya, ang rosy lips niya at messy hair ang agad kong napansin. Ngumisi siya ng kaunti at lumapit sa akin.

"Ano bang kasalanan niyang ulo mo at sinasaktan mo ng husto?" Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang ituro ang noo ko. Kinakabahan ako na ewan, tila naging istatwa ako sa mga sandaling iyon dahil sa ginawa niya. Ramdam kong patuloy na bumibilis ang pag tibok ng puso ko sa mga oras na iyon. First time kong makaharap siya ng malapitan, at yeii, inilapat niya ang daliri niya sa noo ko.

Hoy babae, tumigil ka nga diyan! Hindi ka niya gusto, okay?

Napalayo ako ng kaunti dahil sa sinabi ng isip ko, habang nasa harap ko ang taong unang nakapagpakaba sa akin ng husto. Panong hindi ako gusto? Tsaka bakit ako magugustuhan ng isang 'to?

"Kai, gusto kang makausap ni Miss Hikari." Agad akong napatakbo sa kinatatayuan ni Erin ng tawagin niya ako sa gitna ng kamatayan ko dahil sa sobrang kaba na ginawa ni Racel.

.
.
.
.
.
.

Jane's POV

Galit ba sa akin si Kai? Teka ano naman ang dahilan? Napakagat labi ako habang tinatanong ko ang sarili ko sa pepwedeng ikagalit sa akin ni Kai.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now