Chapter 13: Goldy Kai

692 14 0
                                    

Chapter 13: Goldy Kai

.
.
.
.
.

Kai's POV

"Happy birthday Kai." Bati sa akin ni Caren at Venisse.

"Salamat." Nakangiti kong sambit sa dalawa.
Napalingon ako sa pinto ng may pumasok, tiningnan lang ako ng babaeng iyon at agad na ring pumasok sa office niya.

"So paparty ka naman diyan." Pangungulit ng dalawa, pero nginitian ko lang sila.

.
.
.

Maghapon akong kinulit ng dalawa, kaya napa oo na lang ako. Every birthday ko kasi ay palagi akong nagpaparty sa bar, kaso di ko alam kung saan mayroong bar dito sa Pilipinas na katulad din sa Spain.

"So saan tayo mamaya?"

"Saan niyo ba gusto?"

"May alam ako kung saan." Napatingin ako kay Venise na excited ng sobra.
Niyaya ko ang lahat na pumunta sa sinabing lugar ni Venise, Goldy Kai ang lugar and first time kong marinig ang lugar na iyon. Akalain mo nga naman kapangalan ko ang restaurant.

.
.
.
.
.

Nang makarating kami ay kakaunti lang ang tao, then medyo nakakahiya dahil di man lang ako nag abalang maghanda sa bahay. Semi restaurant and semi bar kaya napangiti na lang ako kay Venisse habang naupo kami sa isang table na kaysa sa aming lahat. Oblong ang size ng table kaya nasabi kong kasya kaming lahat, 9 lang naman kami.

"Susunod daw si Trisha, Racel at Jane, may tinatapos lang." Agad na sabi ni Caren ng mapansin niyang palinga linga ako sa may bandang pintuan.

"Hindi naman sila ang hinahanap ko."

"Ah sorry naman. So order na tayo."
Si Vennise na ang umorder ng kakainin namin. Maganda ang lugar na napili ni Venise and infairness mukhang masarap ang mga pagkain.

.
.
.
.

"Uhm ma'am may gusto lang po magpag autograph sa inyo." Nagulat ako ng may isang waiter na lumapit sa akin.

"Bakit naman po?" Curious kong tanong, eh di naman ako artista para hingan ng autograph.

"Number one fan niyo po siya, kung pwede daw po makausap niya rin kayo after niyong kumain?"

"Eh okay lang po ba na dito na lang sa table namin?"

"Okay lang daw po, basta makausap niya kayo." Tumango tango ako after sabihin iyon ng waiter. Pagkaalis niya ay siya namang dating ng inorder ni Venisse, kaya di ko na nagawang lingunin kung sino ang kausap ngayon nung waiter.

.
.
.
.

"Excuse me, pwede ko ba makausap si Kai?" Napalingon ang lahat sa tabi ng direksyon ko, at ramdam ko din na may tao sa tabi ko. Naamoy ko din ang Victoria secret scent kaya alam kong babae iyon.

Tumayo ako pero hindi ko pa rin tinitingnan kung sino iyon. Pero kita ko sa peripheral vision ang suot niya. Kaya sinunod ko na lang ang nakita ko.

"Excuse lang." Pagkasabi ay lumingon na ako at sumunod sa babaeng lumapit kanina sa kinauupuan ko, nakatalikod siya sa akin kaya di ko pa rin nakikita ang mukha niya. Medyo may katangkaran siya at slim kaya masasabing isa siyang model. Nakasuot siya ng high waist pants at off shoulder na peach, kaya kitang kita ang makinis at maputi niyang balikat.

"Excuse me."

"Surprise!." Isang malaking ngiti ang ginawa niya ng humarap sa akin, nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya. Hindi ako makapaniwala, bakit siya nandito?

Agad ko siyang niyakap sa mga sandaling iyon, ilang taon ko na din siyang hindi nakikita magmula ng makagraduate kami. Nang magkatrabaho kasi ako, di na siya nag paramdam.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now