Chapter 34: Nightmare

504 12 0
                                    

Chapter 34: Nightmare

.

.

.

.

Jane's POV

After a couple hours bumalik na din kami agad sa hotel, kailangan pa namin ng pahinga kaya bumalik na din kami agad. Nagpaalamanan na din kami sa isa't-isa, nauna na sina Erin, Cris at Sofia sa loob ng kani kanilang kuwarto habang kami ni Kai nagpapakiramdaman sa isa't-isa.

"Ahm, see you at night?" Medyo awkward na sambit niya.

"See you." Tugon ko naman sa kanya, sumakay na siya sa elevator, at halatang hinihintay niya ako na pumasok doon. Napakagat labi muna ako bago pumasok sa elevator.

Walang naimik sa aming dalawa kaya sobrang tahimik, kahit gusto kong umimik e walang nalabas na salita sa aking bibig. Hanggang makalabas kami ay wala  pa ring naimik sa aming dalawa. Hinayaan ko na lang siya, pero sa di inaasahan.

"Thank you for today, I owe what you did."

"It's nothing, remember that I am always here."

"By the way, are you free after the event at night?" Tumango tango ako bilang sagot, na ikinatuwa ko naman kasi alam ko kung ano ang sunod niyang sasabihin.

"Come with me at  Street the Treat." Lumabas na siya sa elevator habang ako hindi makapaniwala sa pag iimbita niya sa akin.

.

.

.

.

After waiting for about 4 hours finally makikita ko na ulit si Kai, nakatulog na din ako for about 3 hours. My make up, hair and outfit are all done, kaunting retouch na lang mamaya sa backstage.

Pagkalabas ko sa room unang bumungad sa akin si Kai, nakahanging blouse siya at nakafitted white jeans, ang ganda niya talaga kaya hindi ko mapigilang hindi mapansin palagi ang mga suot niya, sa totoo lang tao ba talaga siya o anghel?  Tanong ko sa isip ko.

E ano ba sa tingin mo? Tutya ng isip ko habang natatawa sa mga tanong ko.

"Jane you look gorgeous today." Nagulat naman ako sa sinabi niya, e siya nga itong mas gorgeous kaysa sa akin. I always wear dress, di na nasanay si Kai na palagi akong nakadress then sasabihin niya pang I'm gorgeous.

"You too." Sagot ko naman, ngumiti siya sa sinabi ko at umalis na din agad. Napahinga ako ng malalim sumunod na sa kanya pababa ng hotel. 

Pagkarating ko nandoon na din si Ela, at ang iba pang mga participant. Napansin kong lumapit si Sofia sa kinaroroonan ni Kai.

"Jane, hi." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon, nakangiti lang siya habang hawak ang isang silver pouch.

"Hi." Bati ko naman sa kanya.

"So excited for the event." Sambit niya, ngumiti lang ako sa kanya at napakagat labi. Napansin kong pinatawag na kami kaya sabay na kaming pumunta ni Ela sa backstage. Nakahanger na ang lahat ng damit na susuotin namin kaya nakaramdam ako ng kaba, pero ng makita ko si Kai wala ang lahat ng iyon. Huminga na lang ako ng malalim at nagretouch ng make up, iniabot sa akin ng isang staff ang dress na susuotin ko, halos parepareho kami kaya bumalik ang kaba ko.

.

.

.

.

Nakailang suot na kami ng damit na halos parepareho, at sa bawat rampa namin sa stage ay siya na mang bawat takot at kaba dahil sa mga mata ng bawat judges na nagmula pa sa iba't-ibang bansa, nakatutok din ang mga camera kaya mas lalong may kaba sa dibdib ko. Alam kong napapanood ako ni Mommy sa mga sandaling ito kaya ganoon na lang ang kaba ko.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now