Chapter 49: I have something to tell you <3

592 13 0
                                    

Chapter 49: I have something to tell you <3

.

.

.

.

Jane's POV

Magdadalawang oras pero hindi pa rin bumabalik si Kai, kakatapos lang namin magshopping. Kahapon pa siya palaging nagtatagal sa banyo, katulad kahapon na halos abutin siya ng dilim e nasa banyo pa rin mabuti na lang at pinuntahan ko kahapon, naabutan ko siyang naghihilamos ng mukha, pero mukhang umiyak siya pero todo ang ngiti niya sa amin ni Racel. Kaya pareho kaming nagtaka ni Racel sa mga ikinikilos ni Kai magmula kahapon hanggang kanina. Kaya sa tuwing nagpapaalam siya na gagamit ng banyo sinasamahan ko na kahit ayaw niya, kasi baka kung ano ang nangyayari sa banyo dahil ang tagal tagal niya sa banyo.

Bukas na ang alis namin pabalik ng Pilipinas, naibigay na din ang award namin bilang rank 2, mabuti naman at kahit papaano pasok kami sa top 5. Matapos ang mahabang pag aannounce nina Naomi at Emily na bibisita sila sa Pilipinas ay nagsibalikan na kami sa room, kasa kasama namin si Racel na medyo na aakwardan sa amin ni Kai, pero itong si Kai naman laging wala sa sarili at hindi ako masyadong kinakausap ng ayos, kaya nagtataka ako. 

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya pero nginitian niya lang ako, kaya mas may tanong sa isip ko kung ano ba ang bumabagabag kay Kai sa mga nakaraang oras.

"Ahm Caren samahan mo naman ako sa labas may bibilhin lang ako." Napatingin ako kay Caren at nilakihan ko siya ng mata.

"Kay ma'am Jane ka na lang magpasama may gagawin pa kasi ako." Pagdadahilan ni Caren, mabuti at nakisama siya.

"Oo nga Jane, may bibilhin din kasi ako sa labas." Narinig kong bumuntong hininga siya ng sumang ayon na sumama ako. Tahimik lang siya sa paglalakad, gusto kong hawakan ang kamay niya pero parang wala siya sa mood makipaglandian ngayon, nakabusangot kasi ang mukha.

"Okay ka lang ba talaga?" Napatingin siya sa akin, at nginitian ako.

"Yeah, I'm fine." Naiinis ako kasi ayaw niya talaga magsabi. Pasimple kong hinawakan ang kamay niya habang naglalakad, luminga linga siya at inialis ang kamay ko sa kamay niya. Teka, bakit naman? Tanging natanong ko sa sarili ko. Ano ba talaga ang problema? Wait don't tell sinabihan din siya ng babaeng iyon. Naku malaman laman ko lang na nagpakita si Ela sa kanya malalagot talaga sa akin ang babaeng iyon. Oo tama kayo ng pagkakabasa, si Ela ang dahilan kung bakit ako biglang nagkaganoon noong nakaraang araw. At hindi ko masabi kay Kai ang tungkol sa bagay na iyon. 

Flashback

Kakauwi lang namin galing sa segment, pagkadating ay may natanggap akong message mula kay Ela.

"Mag usap tayo, meet me." Hindi ko siya nireplayan kasi baka wrong send lang siya. Pero nasundan iyon ng message.

"Maghihintay ako dito sa Street the Treat, kailangan lang kita makausap."
Napakunot ang noo ko dahil, papaano siya nakabalik dito sa Australia. E kakabalik pa lang nila ni Lexa sa Spain.

"What do you want?" Reply ko sa kanya, maya maya pa ay nagsend muli siya ng message.

"May kailangan kang malaman." Na curious ako sa reply niya.

"Pwede ba Ela."

"It's about Kai and her ex." Nang mabasa ko iyon ay nagpanting ang tainga ko, pagkaalis nina Caren ay nagpaalam na din ako kay Kai. Pero ihahatid niya daw ako sa meeting ko. Kaya pumayag naman na ako. Suot suot ko ang cardigan, ayaw ko kasing makilala ako ni Ela dahil ayaw ko sa cardigan.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon