Extra Chapter

1.1K 11 0
                                    

Extra Chapter 

Jane's POV

Halos hindi ko nilalayuan si Kai, hindi ko din inaalis sa kanya ang aking mga tingin. Hindi ko alam pero parang may kaba pa rin sa dibdib ko na may mangyayaring hindi maganda.

"Kanina ka pa tulala, okay ka lang?" Tanong niya sa akin, tumango tango lang ako sa kanya kaya nasatisfied naman agad siya. Sakay na kami ng van, at gabi na kami nakababa ng eroplano. Hindi na ako natulog ng magising kanina sa panaginip ko. Ewan parang totoo kasi yung panaginip ko. Kaya napapaisip ako sa mga posibleng mangyari.

.

.

.

.

Ilang oras ang lumipas ay nakarating na din kami, unang inihatid si Caren. Sunod si Matt at Racel, at ang sunod si Kai kasi medyo may kalayuan ang kanila sa station. Tahimik lang kaming dalawa habang magkahawak kamay. Medyo naantok siya kaya inihilig ko na ang ulo niya sa balikat ko, umayos siya ng upo at mabilis na nakatulog. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay niya. Ginising ko siya at agad naman siyang nagising, tinulungan kong ibaba ang gamit niya. Sumalubong sa amin si Tita Andrea at kinamusta ako. Napansin kong may isang babaeng lumabas, may hawig ni Kai. And for sure siya ang Mommy ni Kai, pareho silang matangkad, maganda, matangos ang ilong at sexy. Nakipagbeso sa kanya si Kai, at ng humarap sa akin ay parang pinagbiyak na bunga ang dalawa. 

"Ginabi na kayo, dito ka na kaya magpahinga?" Tanong ni Tita Andrea, oo nga pagod na din kasi ako. Pero umiling iling ako kasi nandiyan ang Mommy ni Kai, nakakahiya naman.

"Kuya pakibaba na rin po ng gamit ni Jane." Napatingin ako kay Kai, nginitian niya lang ako at binitbit ang backpack ko papasok sa loob ng bahay. Wala na akong nagawa kaya pumasok na din ako.

.

.

.

.

"Jane tabihan mo na lang si Kai." Pagkatapos kumain ay nagpahinga na din kami, parang hindi kami magkakasundo ng Mommy ni Kai. Kasi ang mga tingin niya kanina parang mangangain. Pero hindi ko na lang iyon pinansin pa dahil pagod ako sa biyahe and for sure ganon din si Kai. Hindi ko na pinansin ang sunod na nangyari kasi nakatulog na agad ako.

.

.

.

.

.

.

Mag iisang linggo na ng matapos ang magkasunod na event, at dalawang linggo naman ang relasyon namin ni Kai. Nasabi ko na sa Mommy at Daddy kasi ayaw kong patago kami ni Kai, tanggap naman nila mas natuwa pa nga sila dahil si Kai daw at hindi yung ex ko na si Ela. Legal ang relationship namin ni Ela before kaya ngayon legal din kami ni Kai. Kahapon lang sinabi na din namin sa Mommy ni Kai at sa Tita niya, ang saya saya nga nila e. Then doon ko nakita ang ugali ng Mommy ni Kai, may kutob na daw pala siya nung makauwi kami kaya ganoon na lang makatingin sa akin. Akala ko naman mangangain na ng tao dahil sa mga tingin na animoy parang galit.  Nasabi na din namin sa studio, kaya itong si Jethro tuwang tuwa. Mabuti naman daw at nag aminan na kaming dalawa kasi ang tagal tagal daw nilang naghihintay na magkatuluyan kaming dalawa e finally natupad din. Kaya ganoon na lang ang saya sa dibdib ko kasi lahat sila tanggap ang relasyon namin ni Kai. Si Racel ay hindi na nagulat dahil noong nasa Australia pa lang kami ay nasabi na ni Kai, kaya pala ang tagal tagal nila mag usap that time dahil sinabi na pala ni Kai kay Racel ang lahat lahat.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon