Epilogue

2.2K 27 62
                                    

Epilogue

.

.

.

.

After 2 years and 6 months

Jane's POV

"Anak baka malate kayo!" Napatayo ako ng marinig ang sigaw ni Mommy mula sa
labas.

"Naku ang anak mo, puntahan mo dito." Napalingon ako kay Daddy na nag aayos ng kurbata niya. Maya maya pa ay pumasok na si Mommy, nakatingin siya sa hawak ko.

"Anak naman, bawal sayo ito. Gusto mo bang tumira ulit sa hospital?" Napasimangot ako sa sinabi ni Mommy. Hindi ko na sinubukan pang inumin iyon sa halip ay naglagay ng sanitizer sa palad ko at lumabas.

"Jane, tara na!" Narinig ko ang sigaw ni Caren mula sa labas, kaya kinuha ko na ang sling bag ko at lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ay nakasakay na si Caren sa kotse niya, may pupuntahan kami at ang sabi special event daw. Hindi ko na lang tinanong kasi papaikutin lang ni Caren ang kwento, kahit ganyan ang babaeng 'yan palagi siyang nasa tabi ko. Sila ni Racel na laging nag aasaran sa isa't-isa.

"Nasa simbahan na daw si Racel." Salubong na sambit ni Caren ng makapasok ako sa passenger seat. Hindi ko na lang ako nagsalita sa halip ay inilibang ang sarili sa cellphone ko.

"Alam mo ba ang sabi ni Naomi bibisita daw ulit sila, sayang nga dahil tulog ka pa noong bumisita sila. Bakit kasi 'di ka kaagad gumising?"

"Pwede ba Caren, magdrive ka na lang diyan." May inis kong sambit sa kanya.

"Ano ka ba? Totoo ang sinasabi ko, tsaka si Abbie at Laura may business pala sila dito sa Pilipinas. Alam mo ba 'yung Café Morina? Isa pala sila sa stockholder no'n tsaka yung LaScent (Laysent) sila pala ang may-ari no'n."

"Pwede ba Caren, alam ko ang lahat ng 'yan kaya hindi mo na kailangan pang isumbat sa akin. Isa pang salita at isusubo ko sayo ang hawak ko."

"O ito na nga tatakpan ko na ang bibig ko."

"It's bunganga not bibig." Kita sa peripheral vision ko na medyo napa ismid si Caren. Tahimik na siya habang tinatahak namin ang daan papuntang simbahan. Oo as in church.

.

.

.

Maya maya pa ay nakarating na kami, nasa labas si Racel habang nakasuot ng white longsleeve. Siguro iniisip niyo kung anong meron, may ikakasal lang naman kaya kami nandito sa church.

"Mabuti naman at nakapunta kayo ng maaga, nasa loob na silang lahat."

"Pati ba 'yung ikakasal?" Pahabol na sambit ni Caren. Tumango tango lang si Racel, tama nga si Mommy malalate kami. Agad na din kaming pumasok sa loob ng church, nasa gitna na sila ng isang dasal ng pumasok kaming tatlo.

Nang makapasok na kami ay agad na rin kaming umupo, tahimik lang ako ng makapasok. Baka nagtatanong kayo kung sino ba ang kinakasal. None other than Trisha, and her long time boyfriend Liam. Noong mga nakaraang araw ko lang nalaman na may boyfriend pala si Trisha kaya ganoon na lang ang pagkagulat ko. Matagal na pala sila may planong magpakasal tinapos lang ni Liam ang 5 taon niya sa ibang bansa bilang professor.

.

.

.

Nang matapos ay dumiretso na kami sa reception, kumain na din agad kami dahil itong si Caren kanina pa daw nagugutom. Sinabayan ko na kahit wala akong ganang kumain, kasi ang daming bawal sa akin kaya kadalasan tinatamad na din akong kumain.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now