Chapter 46: Your Lips

599 21 0
                                    

Chapter 46: Your Lips 

.

.

.

.

.

Kai's POV

"Oh bakit?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Caren, sa halip ay kumain na lang ng kumain ng cake na nakahain sa table. Last day na ng event ngayon, pero mukhang hanggang bukas pa, kasi ang station na gagamitin ay nagkaproblema. Dahil nacancel ang sunod na event, lumabas muna kami ni Caren para maglibang. Hindi ko naman maalok si Jane, lalo na hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya kagabi. Kanina paggising ko wala na agad siya sa room, ang aga naman yata ng meeting niya with the other representative. Tapos kaninang umaga akala ko makakasabay na namin siya sa breakfast pero may gagawin daw siya, maaga kasing natapos ang meeting kaya maaga siyang nakabalik, kaso may gagawin daw kaya hindi makakasabay. Then kaninang lunch, niyaya daw siya ni Naomi maglunch kaya hindi din nakasabay.

"Alam mo kung hindi mo siya kakausapin magiging luka luka ka. For sure." Sinamaan ko ng tingin si Caren dahil sa sinabi niya, pero may point siya. Baka mamaya may tililing na ako.

"Pansin ko lang ha, kahit sinabi niyang may gagawin siya hindi niya inaalis ang mga tingin sayo. Matanong ko lang, yung totoo kayo na ba?" 

"Pwede ba Caren, kung ano ano ang mga pinagsasabi mo diyan. Kumain ka na nga lang."

"Sagutin mo naman kasi ang mga tanong ko, kanina pa ako dito e." Kinatusan ko na lang siya ng tumigil sa kakaimik.

"May pupuntahan pa tayo bilisan mo diyan." Inubos ko na ang cake na inorder ko, gayundin ang fruit shake na kasing tamis ng paborito kong frappe sa Cafe Morina. Kailangan ko muna ng kaunting kasweetan sa katawan nakikisabay kasi ang pag eemote ni Jane.

After naming kumain ay pumunta na agad kami sa pupuntahan namin, mamaya pa namang gabi ang event kasi makakagala pa kami.

.

.

.

.

Napadaan kami sa isang jewelry shop, pumasok kami doon dahil bibilhan daw ni Caren si Venise. Maya maya pa napansin ko ang necklace na simple lang ang design, naagaw ang atensyon ko nito dahil may naalala lang naman ako. Tanda ko dati noong nagpasama si Racel sa akin na bumili ng regalo, di ko akalain na para pala sa akin iyon, pero di ko siya suot ngayon dahil mas pinili kong palaging suotin ang bigay sa akin ni Daddy. Maya maya pa napansin ko ang isang necklace na may key pendant, may kapair itong padlock kaya napangiti na lang ako. Simple lang ang design pero maganda.

"Uy maganda yan, bilhin mo na." Actually mahilig ako sa necklace, pero halos lahat ay bigay kaya ngayon pa lang ako magkakaroon ng necklace na sa sarili kong pera kinuha.

Binili ko na iyon at nakangiting inilagay sa bag na dala ko.

"E kanino mo naman ibibigay ang kapair?" Napaisip din ako sa sinabi ni Caren, may kapair nga pala iyon.

"Ako din ang mag susuot, bakit?"

"Hala, sa akin na lang para mas maganda." Nakangiting sambit ni Caren.

"Ano ka sinuswerte, ayaw ko nga." Inirapan ko siya at dirediretsong sumakay sa isang bus.

"Wait pahintay ako!" Natawa ako ng sumigaw si Caren, pinagtinginan kasi siya ng mga tao. Akala siguro nila alien, nagsasalita kasi ng tagalog kaya yan hindi na inialis ang tingin sa kanya ng mga tao. Puro mga may edad pa naman.

"Pufff hahaha!" Hindi ko napigilan ang tawa ko, nakabunsangot na kasi ang nguso ni Caren na akala mo naman ay batang inagawan ng lollipop.

.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now