Chapter 29: I still love you

583 12 0
                                    

Chapter 29: I still love you

.
.
.
.

Ela's POV

Bukas na kami pupunta ng Australia para sa event na magaganap, medyo masakit pa rin ang ulo ko dahil sa kalasingan kagabi. Sa bahay ni Kuya muna ako tumuloy habang nagpapahinga, maghapon na ako dito pero wala pa rin akong natatanggap na balita tungkol kay Jane. Ang sabi ni Lexa sobrang bagsak ni Jane kagabi kaya nag aalala ako sa kanya. Nabanggit din ni Lexa na hinatid siya ni Kai kaya napanatag naman ako.

"Oh ano na naman yang iniisip mo diyan?" Napatingin na lang ako kay Kuya habang naghihiwa siya ng karne ng isda.

"Wala kuya, medyo masakit pa rin ang ulo ko."

"Hay naku Ela, kilala kita."

"Alam ko Kuya Arden kung sino ang iniisip niyan." Sabat naman ni Ally habang abala sa paghalo sa niluluto nila. Actually Ally is my cousin, pero parang kapatid na din namin ni Kuya dahil dito na siya lumaki sa amin. Patay na kasi ang mga magulang ni Ally kaya kami ni Kuya ang kumupkop sa kanya, ang sabi din kasi ng mga magulang namin. Syempre ayaw namin na maranasan niya yung naranasan namin noon, kaya nga nag ibang bansa ako para sa pag aaral ko at sa pag aaral ni Ally. Tapos sinabayan pa ng pagkalugi ni Kuya sa pinatayo niyang restaurant, mabuti na nga lang at nakahanap agad ako ng trabaho kasi bawat sahod ko pinapadala ko dito sa Pilipinas para kay Kuya at kay Ally, and thank goodness kasi may pinatunguhan ang pagtatrabaho ko kahit papaano nakabangon ang restaurant ni Kuya, tapos ako mas dumami ang endorsement.

Napilitan lang talaga akong mag ibang bansa, ang totoo nga niyan ayaw kong magtrabaho sa ibang bansa kasi malayo sa pamilya ko, kay Kuya tsaka new society and new environment yung kailangan kong matutunan. Pero ginawa ko pa rin para lang makaahon ang restaurant ni Kuya, tsaka makatapos si Ally sa course niya gayundin ako.

Noong una nga extra lang ako, pero ginawa ko pa rin para lang kumita. Nagkayud ako, nagpart time halos lahat ginawa ko makapag ipon lang ng ipapadala sa Pilipinas. Muntik pa nga ako masangkot sa drug dahil nagtry akong magtrabaho sa bar bilang dancer, nagwaitress din ako sa isang fast food pero hindi pinalad kasi masyado daw akong attractive sa mga customer kaya naghanap ako ng ibang mapapasukan, nangatulong din ako pero gayundin ang sinabi. Nagtrabaho din ako sa palengke bilang vendor ayos naman kaso napaka inggitera ng boss ko, bakit daw ako palagi ang hinahanap ng mga suki? E kasalanan ko ba na maganda ako at sexy, hindi naman diba? Ang last kong inaplayan ay ang sales lady sa sikat na mall sa Spain, pero hindi sales lady ang pinagawa sa akin. Ako ang ginawa nilang model sa mga damit then iyon pala ang nararapat na trabaho sa akin, after a week nagboom pataas ang sales ng kompanyang iyon, hanggang sa may mga nag isponsor sa akin tapos yung partner ng mall na iyon ay ang sikat na H&M at ang Hollister. Kaya mas ginanahan akong ipagpatuloy ang pagtatrabaho ko. Pero bago iyon pumasok ako sa acting workshop doon ko nakilala si Lexa, siya ang naging mentor ko para mabuksan yung isip ko na hindi ko kailangan magpabebe, kailangan kung anong sabihin ng director or photographer dapat sundin ko para mas makilala ako.

Ang akala ng iba mataas na agad ang sweldo ko noong una, pero pahirapan pa bago ko nakamit ang mataas na sweldo hanggang sa naging kilala na ako. Then doon ko ipinagpatuloy ang pag aaral ko, at doon ko nakilala si Kai. Noong una ko siyang nakilala di ko masyado mawari ang emotion niya. Jerk pa nga ang tawag sa kanya ng mga kaschool mate ko, kaya syempre hindi ako lumalapit sa kanya. Ang sabi kasi ng iba, mapapahamak daw ako kapag kasama ko ang babaeng iyon, pero noong tumagal hindi naman iyon ang nangyari, kasi mas naging independent ako at natuto na tumayo sa sarili kong mga paa.

Siya ang naging sandalan ko habang mag isang nakikipagsapalaran sa Spain, minsan nakikitulog ako sa kanila pero minsan syempre nahihiya ako kasi sila na din nagpapakain sa akin. Tapos dumating pa yung araw na nagka issue ang kontrata ko sa pagmomodel ko dahil sa isa naming kaklase na masyadong naiingit sa kagandahan ko. Mabuti na lang at nasolve iyon bago ako grumaduate, tinulungan din kasi ako ng Mommy ni Kai na isa sa mga stockholder ng companyang pinapasukan ko.

It's ComplicatedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora