Chapter 45:

491 14 0
                                    

Chapter 45

.

.

.

.

Jane's POV

Habang nasa DJ booth sina Kai at Caren ay napansin ko si Naomi na kanina pa tahimik, kaya lumapit ako sa kanya.

"Are you okay?" Lumingon siya sa akin at ganoon na lang ang pagkagulat ko ng makita ang mga mata niya. May luha iyon at namumula pa.

"I just need to use the restroom, excuse me." Tumayo siya at tumungo sa banyo, pero nacurious ako kaya sinundan ko siya. Pagkapasok ko ay humagulhol na siya ng iyak. Nilapitan ko siya.

"I'm willing to listen." Kahit na ilang araw pa lang kami magkakilala alam kong matutulungan namin ang isa't-isa.

"It's nothing."

"Is it about you and Emily?" Tanong ko na ikinatahimik ng pag iyak niya. So tama ang tanong ko, kaya hinawakan ko siya sa balikat.

"I already watched the trending video of Emily, is that true?" Tumungo siya ng sabihin ko iyon, kahit hindi siya magsalita alam kong totoo iyon. Sa mga post pa lang ni Emily sa status niya sa media halatang may relasyon sila ni Emily. Pero bakit ganito na lang kaemosyonal si Naomi.

"I love her, but I can't control her. I just wanted to be professional and focus to our purpose, that's why I agreed to represent the Heart London Station. And I am here to prove to her parents that I can be good to her." Gusto kong magbigay advice pero baka mas kailangan muna niyang ilabas ang nararamdaman niya.

"I don't want to lose my job and I don't want to lose her too, but how?" Umiyak na siya ng umiyak.

"You know what, Emily is just being sweet. Just let her do what she want, it doesn't affect your job okay? I'm sure Heart London fans are very proud of her."

"Why?"

"Because she love you."

"I'm afraid, I don't know what to do."

"Shh, calm yourself. You love her and she love you, you can  work together to make your purpose here in Australia."

"How? She doesn't even listen to me."

"Naomi." Napalingon ako sa pinangyarihan ng boses na iyon, nakatayo si Emily sa labas ng banyo. Nakatingin lang siya sa amin ni Naomi.

"Talk to her." Umalis din ako at iniwan ang dalawa. Alam kong magagawan nila ng paraan na magkaayos sila sa isa't-isa. Kahapon pa kasi si Naomi nagkakaganyan, naawa na din ako kaya hindi ko na din napigilang tanungin.

.

.

.

.

"Sige sige, promise yan ha?" Napatingin lang ako na nakangiting si Kai habang may kausap sa cellphone. Tapos na pala sila sa segment nila, napatingin ako sa wrist watch ko. Maghahapon na, at may sunod pang event kaya kailangan na naming maghanda.

"Matt ito oh, salamat ha." Tumingin si Kai sa akin, at ang matindi dinaanan lang ako. Napairap ako sa ginawa niya, kaya sa inis ko bumalik ako sa kaninang inuupuan ko. Haist, kahapon pa ako naiinis sa kanya. Sinasadya niya bang inisin ako, or what?

Tumayo na ako ng makita si Kai, hinawakan ko ang braso niya.

"Teka." Tanging sambit niya, pero dahil kahapon pa ako naiinis hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya.

"Aray, Jane nasasaktan ako. Ano ba ang problema?" Hindi ko pinansin ang tanong niya, sa halip ay dirediretso lang ako sa pagkakaladkad sa kanya.

"Jane!" Alam kong galit na siya pero wala akong pakialam, hinila ko siya hanggang nakita ko ang hagdan paakyat ng rooftop. Hinila ko siya paakyat.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon