Chapter 31: New Concept

496 14 0
                                    

Chapter 31: New Concept

.
.
.
.

Kai's POV

Nagising ako katabi ang di inaasahang tao. Nagtaka naman ako, at kailan pa siya nandito sa tabi ko?

Dahan dahan kong inialis ang pagkakapatong ng kamay niya sa baywang ko. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Mamayang gabi kasi ang simula ng event, kaya kailangan kong maging maaga.

.
.
.
.
.

After kong maligo ay nadatnan ko pa rin ang babaeng iyon na mahimbing sa pagkakatulog, haist bakit ba siya dito natulog? At sinong nagpapasok sa kanya sa room namin?

Napabuntong hininga na lang akong nagbihis na nakatalikod sa babaeng iyon. After that ay nagmake up na ako at lumabas ng kuwarto. Di pa kasi ako nakain, nagbabakasakali na may nakahain pa sa dining area.

Bumaba na ako gamit ang elevator, lucky me because the dining are still serving foods. Kumuha na ako ng plato at ng mga pagkaing nakahain. Vegetable salad ang kinuha ko at ang roast chicken. Maya maya pa ay napansin kong bumaba na ang babaeng nakahiga sa kama kanina. Iyon pa rin ang suot niya, kaya medyo nanibago ako. Hindi naman kasi talaga siya mahilig matulog ng nakajeans.

"Bakit di mo ako ginising?" Tanong niya ng makalapit sa akin. Hindi ko na lang sinagot ang tanong niya, sa halip ay ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Lumapit siya sa dining at kumuha ng makakain. Teka bakit ko ba ipinapaliwanag ang ginagawa ng babaeng iyon? Tanong ko sa sarili ko ibinalik ko na lang ang atensyon sa harap ng pagkain.
Hindi ko pa rin kasi lubos maisip ang mga pinaggagawa niya, naaawa ako sa kanya pero ang hirap naman kasi ng sitwasyon. Napakakomplikado kapag sasakyan ko ang mga trip niya, pero may isang tanong ako sa isip ko na ang hirap bigyan ng sagot.  Haist bahala na.

Nang matapos kumain ay naghintay na lang ako sa dining area, 5:55 na ng hapon pero hanggang ngayon wala pa rin sina Erin kaya napakunot na ang noo ko kakahintay sa kanila. 7 in the evening kasi ang start pero wala pa ang mga kasama namin.

"Nagtext si Erin, on the way na daw sila." Sa halip na tingnan ko si Jane ay nagreply na lang ako sa text ni Ela. Kanina pa ako tinitext e malay ko ba kung bakit dito natulog ang ex niya. Haist bakit nagtatanong pa din siya, hindi na lang kasi siya ang magtext sa babaeng iyon.
Naku! Ang sabihin mo nagseselos ka.
Ha! Ako magseselos, at bakit naman ako magseselos?
Kasi tinetext ka ng best friend mo about sa ex niya na soon to girlfriend na ulit.
Ano?! Hindi ah, mamamatay muna ako bago mangyari iyon.
Ikaw ang bahala, deny pa more.

Para na akong timang sa ginagawa ko, kinakausap ang sarili na parang magkaiba kami ng katawan. Haist inistress ako, kainis.

"Hindi ka ba sasabay?" Napalingon ako kay Jane na nakatayo na. Biglang bumagal ang pag ikot ng mundo ng makita ko siya habang nakatayo sa gitna ng dining area, nasa pwesto siya kung saan ang kanyang background ay ang liwanag na nagmumula sa kitchen. Bakit ako nagkakaganito?
Kasi mahal mo na siya.

Napakurap kurap ako sa sinabi ng isip ko sa akin.

"Ahm sige mauna ka na, hihintayin ko na lang dito sa baba sina Ela."

"Loyal ka talaga sa friend mo 'nu?"

"Correction, it's best friend." Medyo may katarayan kong sambit.

"Okay, sige aakyat na ako." Hay mabuti naman, kanina pa kasi ako di mapakali sa babaeng ito.

"By the way, Miss Hikari told me about the concept for later."

"What about it?"

"She said that you and I are going to do the same shots we did last time."

"What?"

"I know you heard me, Ela is just an extra for that concept. That's all, see you around."

Napabuntong hininga na lang ako ng makaalis si Jane, hanggang sa pagsakay niya sa elevator ay nakatingin ako.

.
.
.
.
.

"Kai!" Napalingon ako sa kakapasok pa lang na sina Ela, Erin, Rea, Lexa. Kasama din sina Jethro at si Lyn. Nga pala nakalimutan kong sabihin na hindi nakasama si Jaime dahil sa strikto niyang jowa. Mabuti naman at bumalik na sila.

"Bakit ngayon lang kayo?" Salubong kong tanong sa kanila.

"Bakit? Teka di ka ba nainform?" Tanong ni Erin, na halatang ayaw sabihin sa akin ang dahilan.

"Saan?"

"Cancel ang concept ngayon napalitan kasi ng isang concept. Solo ninyo ni Jane ang photoshoot mamaya." Nagulat ako sa sinabi Lyn, so ibig sabihin. Nagsasabi ng totoo si Jane, di siya nagbibiro about sa concept. Ikaw kasi napakapabebe. Tsaka hello ultimate crush ka kaya ni Jane.

"Ikaw ang bakit nandito pa? Tsaka hindi ba sinabi sayo ni Jane?"

"Sige aakyat lang ako."

Dali dali akong tumakbo patungo sa elevator at agad na pinindot ang number 5. Mabuti na lang at walang sumabay sa akin kaya mabilis akong nakarating sa 5th floor ng building. Pagkalabas ko ng elevator ay nakasalubong ko si Jane na nakapagpalit na ng damit.

"Pwede bang hintayin mo ako?" Nahihiyang kong sambit.

"Okay. Sa baba na lang ako maghihintay." Tumalikod na siya sa akin at sumakay sa elevator. Para akong sunga ng makarating sa room, di ako magkanda ugaga sa pagpili ng damit.

Pero dahil ilang minuto na lang ay mag seseven na di ko lang pinansin kung ano ang suot o porma ko.

.
.
.
.

Naiinis ako dahil di agad ako naniwala kay Jane kanina, nalate kami dahil sa akin. Pero dahil first day, pinayagan kaming magphotoshoot kahit nalate kami. Isa kasi sa rules na once na malate hindi na pwedeng magphotoshoot, kasi limited lang ang  availability ng photographer.

Nakapagbihis na kami ni Jane at naglakad papunta sa spotlight.

"Girls, make Fuchsia proud okay?"

Tumango lang kami pareho ni Jane kay Miss Hikari sa mga sandaling iyon. Sumusunod na lang ako sa lahat ng sabihin ng photographer, ayaw kong i disappoint si Miss Hikari kaya hindi na ako nag inarte.

"Make your self comfortable, we can do it." Bulong sa akin ni Jane, nag init bigla ang tainga ko dahil sa sinabi niya.

"Jane lumapit ka pa kay Kai, then Kai put your hands on Jane's waist." Sinunod ko na lang ang photographer, medyo strikto at may pagkabossy pero okay lang at least pumayag siya na kuhanan pa rin kami ni Jane ng picture para naman bukas. Mabuti na lang at nakakapagsalita siya ng kaunting tagalog, nga laang medyo bulol pa. Rarampa kasi kami kasama ang iba pang model, kinakabahan pero keri lang kasi part talaga ng experience ang kabahan sa isang event.

Di ako mapakali sa posisyon namin ni Jane, pero parang gusto ko din ang mga sandaling iyon, haist nahahawa na ako sa kalukuhan ni Ela.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now