Chapter 32: The International Model Collide

490 13 0
                                    


Chapter 32: The International Model Collide

.
.
.
.
.

Ela's POV

Maaga akong nagising ng maramdaman ang paggalaw ng kama, napansin kong wala na akong katabi.

"Ela mag aalas singko na ng umaga, malelate na tayo." Rinig kong boses ni Rea, medyo inaantok pa ako kaya tinatamad pa akong bumangon.

"Ela!" Boses iyon ni Kai kaya napakurap kurap ako, sinipat ng aking mga mata ang babaeng nakatayo sa may pintuan.

"Malelate na tayo, bumangon ka na diyan." May humila sa akin Mula sa pagkakahiga. Di ko namalayan nakasakay na pala kami sa van. Sobrang antok ko, di kasi ako makatulog kagabi kakaisip sa concept. 10 na ng gabi nakauwi sina Kai at Jane, medyo napapaisip ako kasi nabanggit nina Erin ang tungkol sa love team na tinutukoy nila. Ang nagpapop up sa isip ko na tinutukoy nila ay si Jane at Kai, pero hindi iyon mangyayari kasi hindi into girl ang best friend ko. Tsaka napag usapan na naming dalawang na kung sinuman ang humarang sa dadaanan ko kay Jane ay makakaharap ng best friend ko.

Nakarating kami sa Sidney matapos ang isang oras na biyahe, hindi pa ako nakakaligo kasi hinila na nila ako kanina. Buti na lang at may pool sa hotel na pinuntahan namin. Rydges World Square Hotel is the name, classy ang dating pangalan pa lang.

.
.
.
.
.

Gaya ng sinabi ko, agad na akong naghubad ng damit at lumublob say pool pagkadating na pagkadating.

"Ela!" Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko, nakatingin silang lahat sa akin habang nakaloblob sa pool ang katawan ko.

"It's fine, I like her attitude." Isang babae ang nakadress any biglang dumating, maganda siya at mukhang mabait pa.

"Carry!" Narinig ko ang boses ni Miss Hikari.

"Guys nandito na pala kayo, by the way Carry here is my team." Umahon ako sa tubig at nakipag shake hands sa sinasabi ni Miss Hikari na si Carry.

"Wow, you're hot by the way."

"Thanks." Nakangiti kong sambit, napansin ko lang na nakatingin sa katawan ko ang babaeng iyon.

.
.
.
.
.

Umakyat na kami sa room namin at ako naman ay nagpalit ng damit.

"Ano bang ginagawa mo?" Napalingon ako kay Lexa ng makapasok kami sa room.

"Why? I just swim to feel fresh, is there any problem with it?" Takang kong tanong habang nagsusuot ng pants, nakahanda lahat ng damit at make up kaya medyo comfortable ako.

After 20 minutes magsisimula na ang event, kaya minake apan na ako ni Lexa.

"You know what, I think Kai is right?"

"What do you mean?" Napatingin ako sa salamin kung saan abala si Lexa sa pag ayos sa buhok ko. Tapos na siya sa paglagay ng make up kaya buhok ko na ang pinagkakaabalahan niya. Nasaan kabilang room si Jane habang naaa kabila naman si Kai kaya no worries ako ngayon.

"She told me this last time." Naghintay ako sa sasabihin niya sa mga sandaling iyon, ngunit may biglang kumatok sa pinto.

"Ela and Lexa are you done?" Agad akong tumayo ng marinig ang boses ni Miss Hikari. Lumabas si Lexa at mulling pumasok upang tapusin ng ayos ng buhok ko. Rarampa kaming tatlo nina Kai at Jane ngayon umaga sa function hall, kung saan ang bawat model na galing sa ibang bansa ay dadalo.

.
.
.
.
.
.

Kai's POV

After Lyn done my make up, I call my Auntie to ask her about my mom. Ngayong araw kasi ang uwi niya from Europe.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon