Chapter 20:

716 15 0
                                    


Chapter 20:

Kai's POV

Alas otso na ng umaga ng makarating ako sa condominium ni Jane. Ang sabi ng guard hindi pa raw dumating si Jane, kaya hindi muna ako umakyat. Dala ko ang tatlong libro na ginamit ko noong nagrereview din ako for my exam. Habang naghihintay napansin ko ang isang nagmamadaling babae papasakay ng elevator.

Si Jane yun ah. Usal ng isip ko ng mapansin ang babaeng iyon. Dali dali ko siyang sinundan, sasara na sana ang pinto ng elevator ng iharang ko ang kamay ko.

"Kai?" Gulat niyang sambit, tila hindi niya inaasahan ang aking pagdating dahil sa pagkagulat. May dala siyang dalawang supot na humaharang sa kanyang mukha, kaya tinulungan ko siya dahil madami dami din iyon.

"Sorry kakarating ko lang." Pagpapaumanhin niya ng makuha ko ang isang supot na may lamang mga pagkain.

"Okay lang." Nakangiti kong tugon.

.
.
.
.

"Nag almusal ka na ba?" Tanong niya habang abala sa kanyang ginagawa sa kusina.

"Tapos na ako, magluluto ka ba?" Lumapit ako sa kanya para tingnan kung ano ang inihahanda niya.

"After lunch mo ako itutor. Para pati makuha ko na ang perfect na lasa ng recipe kong ito." Sabay turo sa mga specimen.
Tumango tango na lang ako bilang sagot, nakakapanibago ang laki ng ngiti niya. Ano na naman kaya ang nangyari at sagad ang ngiti ng babaeng ito.

"Bakit?" Nagulat ako ng magtanong siya, nakatitig pala ako sa kanya.

"May dumi ba ako sa mukha?"

"Ah wala." Pagpapanggap ko.

"E ano nga?"

"Wala, huwag mo ng pansinin iyon." Bumalik ako sa living room para ihanda ang mga libro at notes na nagamit ko.

Lumipas ang ilang sandali, may naamoy akong mabango na nagmumula sa kitchen. Tumungo ako doon para icheck ang niluluto ni Jane, ngunit walang tao doon. Nagpalinga linga ako sa magkabilang pinto na malapit sa kitchen pero wala akong Jane na nakita. Nilapitan ko ang nakasalang na kaserola, kumukulo na ang niluluto niyang tinola. Pero parang may kulang sa amoy, kaya binuksan ko ang refrigerator, kumuha ako ng dahon ng sili at agad na hinusagasan sabay inilagay sa kumukulong tinola. Muli kong inamoy ang tinola, nakapikit ako ng damhin ang amoy na iyon. Pero agad akong napamulat dahil biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

"I miss you so much." Nanlaki ang mata ko ng mabosesan kung sino iyon. Naamoy ko din ang perfume niya. Iniharap niya ako sa kanya, saktong nagtama ang aming mga mata. Ramdam ko ang mainit at mabango niyang hininga, at halos magdikit na ang aming mga labi. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Ano ba ang ginagawa ng babaeng ito? Tanong ng isip ko habang nakatitig sa mga mata ni Jane. Nakasandal ako sa stove at ramdam ko ang init ng kaserola dahil sa pagkulo nito. Hindi ako makahinga ng ayos habang  ikinulong niya ako sa kanyang braso.

"Yung yung niluluto mo." Pautal utal kong sambit dahil kapag nagkamali ako maaaring maglapat ang aming mga labi. Napakunot ako ng noo ng bigla siyang ngumisi.

"Bakit ka nauutal?" Bigla naman akong napalingon sa nakasalang na kaserola ng marinig ang malakas na pagkulo nito. Ibabalik ko na sana ang tingin kay Jane ng maalala na nakaharap pa rin siya sa akin. Hinawi ko ang braso niya na nakakulong sa akin. Nang makalayo ako sa kanya ay pansin ko ang pag smirk niya. Ano bang nangyayari sa kanya? May sayad ba siya?

Napahinga na lang ako ng maluwag ng bumalik ako sa living room.

"Kumain ka na ba?" Mabilis akong napalingon kay Jane, pero hindi ko sinagot ang tanong niya. Mabuti na lang at hindi siya nakatingin ng lumingon ako sa kanya.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon