Chapter 27: Unforgettable Moment

580 8 0
                                    

Guys si Racel muna ang mas maraming Point of View sa ngayon, mahaba haba din kasi ang kwento niya.

Chapter 27: Unforgettable Moment

.
.
.
.
.

Racel's POV

Nakailang missed call na ako kay Kai pero wala pa ring nasagot, pati si Caren ay tinawagan ko na din. Ang sabi nasa photoshoot, pero sa pagkakaalam ko hanggang 7 pm lang sila. Pero 9:30 na ng gabi wala pa rin siya. Nakaabang ako sa labas ng bahay ng tita niya habang pabaling baling ang tingin sa magkabilang daan, nagbabakasakali na matatanaw ko agad ang sasakyan ni Kai.

"Hijo, kumain ka muna. Baka mamaya pa si Kai."

"Mamaya na po."

"Sumabay ka na, minsan lang ako may kasabay sa pagkain." Napalingon ako kay Tita Andeng, so ibig sabihin palaging mag isa kumain si Tita Andeng dahil sa trabaho ni Kai.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tumungo sa kusina, nakahain ang dalawang putahe ng ulam. Calderetang manok at fried chicken.

"Pasensya ka na, di ko kasi alam kung anong mas gusto mong ulam."

"Okay lang po." Umupo na ako at kumuha ng calderetang manok. Isang takal lang ng kanin ang kinuha ko, alam niyo na kailangang balance sa pagkain.

"Diet ka ba?"

"Pasensya na po, baka po kasi pagalitan ako ni Miss Hikari." Sambit ko habang hawak ang kutsara at tinidor.

"Ay oo nga pala, nabanggit nga pala ni Kai na nagmomodel ka." Napatingin ako kay Tita Andeng.

"Nakikwento ka niya sa akin minsan, lalo na noong napasok pa siya. Kaklase mo nga siya noong high school?"

"Opo, pero lumipat din po ako." Sabay subo sa pagkain.

"Bakit naman?" Uminom muna ako ng tubig bago sagutin ang tanong niya.

"Mahabang kwento po." Sabay subo muli sa pagkain na nakalagay sa kutsara. Ang sarap ng ulam kaya kumuha ulit ako, napansin ko na lang na nakangiti na si Tita Andeng.

"Para kang si Kai kahit nakadiet napaparami ang kain." Napangiti na lang ako habang nanguya ng pagkain, grabe di ko akalain ang sarap talaga ng luto. Parang sa restaurant ko lang natitikman ang ganito kasarap na ulam, kahit simpleng caldereta. Pero iba talaga e, may special ingredients akong nalalasahan.

"Favorite ni Kai ang ulam na yan." Napatingin na lang ako kay Tita Andeng ng sabihin niya iyon. Di ko napansin na naubos ko pala ang hinain niyang ulam, mabuti na lang at hindi ko inubos ang kanina.

"Sobrang mahal niyo po talaga si Kai." Sabay inom ng tubig, kahit na may inihain din si Tita Andeng na juice.

"Sobra, para ko na nga siyang anak e."

"Wait lang po, bakit di pa pala kayo nag aasawa?" Natigilan ako sa tanong ko. Sa dinami dami ng tanong ko iyon pa talaga.

"Ay pasensya na po."

"Hindi ayos lang, natanong na din yan ni Kai sa akin before." Tumingin ako sa kanya ng diretso. Kamukha ni Tita Andeng si Kai, height lang ang pinagkaiba. Matangkad kasi si Kai, si Tita Andeng naman sakto lang. Tsaka morena si Kai, si Tita Andeng mistisa. Pero para silang pinagbiyak na bunga kapag tititigan. Oo tama kayo ng basa, natitigan ko na si Kai ng malapitan. And I think I was in high school that time. Noong araw din na napatalsik ako sa school nila.

"Ang lalim naman ng iniisip mo." Bumalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang boses ni Tita Andeng.

"Pasensya na po." Nginitian niya lang ako, at natigilan naman ako kasi kahit sa pagngiti kuhang kuha niya ang hitsura ni Kai. Kaya napakunot noo na lang akong napatayo at naghugas ng kamay sa lababo.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now