Chapter 7: Puesta de sol (SUNSET)

1.2K 20 0
                                    

This chapter is rated PG, not too much but slightly.

.
.
.
.
.
.
.
Chapter 7: Puesta de sol (SUNSET)


.
.
.
.

Kai's POV

Mabuti na lang at walang photoshoot kahapon kaya hindi ako masyadong nag alala sa schedule ko. Dahan dahan kong minulat ang aking mata ng mapansin ang sikat ng araw na nagmumula sa labas ng bahay. Kisame ang unang bumungad sa aking paningin, may bimpo pa ako sa noo sa mga sandaling iyon, dahan dahan akong tumagilid ng higa pero laking gulat ko ng makita ang mukha ni Jane na nakaharap sa akin. Mahimbing siyang natutulog habang nakapatong ang kamay niya sa waist ko, hindi ko ramdam iyon dahil may comforter pang nakabalot sa akin. Tinitigan ko lang siya sa mga sandaling iyon.

Salamat sa pag aalaga sa akin kahapon, sorry sa pagsuka ko sayo kagabi.

Hindi iyon nawala sa isip ko, lalo na yung reaksyon niya ng masukahan ko ulit siya. Nakakahiya dahil pati pantalon niya nasukahan ko kagabi, pero ang mas nakakahiya ang nung bigla kong hubarin ang sandong suot ko, ang sunga ko kagabi promise. Hindi kasi ako komportable matulog kapag nakasando, pero nakakahiya talaga.

Tiningnan ko ang buong mukha ni Jane sa mga oras na iyon habang inaalala ang nakakahiyang pangyayari kagabi. Tumingin ako sa kisame ng mapansing gumalaw siya at parang magigising na.

Biglang may tumanggal ng bimpo sa noo ko, pero hindi ako tumingin sa kanya. Ramdam ko ang paglapat ng likod palad niya sa noo ko.

"Nahihilo ka pa ba?" Tanong niya, pero hindi ako sumagot dahil nakakatamad tsaka wala ako sa mood makipag usap.

Napalingon ako sa kanya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Bakit?"

"Ahh wala tinatry ko lang kung mainit din ang kamay mo." Tinanggal ko ang kamay niya sa kamay ko at bumangon pero bigla akong napapikit dahil nahihilo pa pala ako. Napahawak ako sa ulo at ramdam kong bigla akong inalalayan ni Jane, magkabila niyang hawak ang balikat ko para alalayan.

"Okay ka lang?"

"Yeah, medyo nahilo lang ako." Tumayo ako kahit alam kong matutumba ako, promise nahihilo pa talaga ako.

Pumasok ako sa CR para maghilamos, napatingin ako sa salamin habang nakasawsaw ang kamay ko sa dumadaloy na tubig na nagmumula sa gripo. Hindi na ako kasing putla kahapon ng umaga kaya medyo napangiti ako.

Lumakad ako ng kaunti para kunin ang sanitizer sa bathroom na malapit sa CR pero feeling ko tutumba ako sa hilo. Malayo iyon sa pwesto ko pero pinilit kong abutin, hindi ko napansin ang switch ng shower kaya aksidente kong nabuksan iyon at nahulog naman ang sanitizer. Malakas ang pagkakabagsak niyon dahil masyadong malaki ang lalagyan.

"Kai okay ka lang?" Napalingon ako sa pinto ng bathroom, nakatingin lang ng diretso si Jane sa akin. Ako naman nilalamig na dahil sa shower na bumubuhos sa katawan ko nasa cold ang switch na aksidente kong nabuksan, hindi ako makaalis sa pwesto ko dahil sa natapong sanitizer na napakadulas.

Tumango ako sa mga sandaling iyon.
Jane hindi ako makahakbang.

Naiiyak na ako sa sobrang lamig.
Pero laking gulat ko ng biglang may yumakap sa akin sa mga sandaling iyon.
Pinatay niya ang shower bago humiwalay sa pagkakayakap, inalalayan niya ako sa paglalakad. Basàng basà na ako gayundin siya dahil sa shower. Napansin ko ang kulay pink niyang bra na tumatagos sa puting damit niyang suot, kaya napatango muli ako. Bakit iyon ang una kong napansin?

"Papalitan kita ng damit." Agad niyang tinanggal ang botones ng damit kong sobrang basà, para siyang si Mommy kung mag alaga. Hinayaan ko na lang siyang hubaran niya ako dahil nanghihina talaga ako. Nakatungo lang ako habang tinatanggal niya ang botones ng damit ko, at ramdam kong nakatingin lang siya sa akin. Pansin kong nagtanggal din siya ng botones ng damit niya. Nagulat ako ng muli niya akong yakapin, suot ko pa rin ang damit pero nakabukas na iyon at nakabra na akong nakaharap sa kanya.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon