Chapter 17: Ela's Career

615 16 0
                                    

Chapter 17: Ela's Career

.
.
.
.
.

Kai's POV

"Kanina ka pa tulala diyan. Ayos ka lang?" Napatingin lang ako kay Caren na kanina pa ako tinatanong, hindi ako makapagfocus sa trabaho dahil sa nasaksihan ko kahapon.

"Kanina ka pa di makausap. Tsaka inis na nga sayo si Jane." Napasimangot na lang ako sa sinabi ni Caren, di ako makapag isip ng ayos.

.
.
.

Mag aalas singko na ng hapon pero hanggang ngayon iisang page pa lang ang nagagawa ko para sa nalalapit na DJ Collide. Isinara ko na ang folder na gamit ko habang nakalakip ang limang pahina ng papel at ang ballpen na naubos kakasulat sa papel na wala namang kwenta dahil sa nakita ko kahapon. Hinintay ko na lang mag alas singko para makauwi na ako.

Habang naghihintay ay biglang tumunog ang cellphone ko, isang message ang natanggap ko mula kay Ela na ngayon lang ulit nagparamdam.

Kai, pwede mo ba akong samahan mamaya?

"Sorry Ela pero uuwi ako ng maaga."

Please! Promise walang halong kalokohan ito. Please samahan mo lang ako.

"Pero Ela."

Please Kai samahan mo na ako. Kung alam ko lang kung saan ang lugar na ito, hindi na ako magpapasama sayo. Pero hindi ko alam e. Please?😞

"Oo na, basta saglit lamang."

Thank you. Tsaka may kailangan akong sabihin sayo, mas gusto kong in person sabihin kaya gusto kong sumama ka.

"Sige paalis na kami ng office."

Nandito ako sa Café Morina.

"Sige pababa na ako ng building."

Dire diretso ako sa paglakad palabas ng building. Hanggang makarating sa Café Morina. White ripped jeans agad ni Ela ang una kong napansin ng makapasok ng Café.

"Thank you Kai. Tara na." Yaya niya sa akin, biglang may dumating na kotse ng makalabas kami, tumigil iyon sa harap namin ni Ela.

"Teka, pero may dala din akong sasakyan."

"Ha? Kailan ka pa nagkakotse?"

"Kahapon. Tsaka sino ba ang kasama?"

"Kahapon, teka don't tell me na regalo sayo yan ni Tita Andrea."

"Definitely."

"So can I ride with you? I mean sayo na lang ako sasabay ng ma experience ko naman kung paano magdrive ang best friend ko."

"Sure ka?"

"Yes."

"Teka sinong kasama?"

"Wait kakausapin ko na sumunod na lang, sige susunod na ako sa kotse mo." Umalis ako matapos niyang sabihin iyon. Sino ba kasi ang isasama niya?

Napatingin ako sa wristwatch ko, almost 5:15 na kaya medyo naiinip na ako. Naisipan kong bumaba ng kotse, pero napahinto ako ng makita kong papalapit si Ela. Kaya hindi na ako bumaba ng kotse. Sumakay na siya at agad ko namang inistart ang engine.

"Ito ang pupuntahan natin." Iniabot niya ang isang papel na may nakasulat. Mabuti naman at malapit lang para makapagpahinga na rin ako agad. Habang nasa daan ay pansin kong may sumusunod sa amin, pero napansin kong iyon yung sasakyan kanina na humarang sa daan namin.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon