Chapter 16: Perfume

677 16 0
                                    


Chapter 16: Perfume

.
.
.
.
.

Kai's POV

.
.
.

Nakatayo lang ako habang hinihintay na makalabas si Trisha mula sa office niya, mag aalas onse na ng umaga pero hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ako magmula kaninang 6:40 am.

Kasalanan ni Ela ang lahat ng ito, humanda ka talaga sa aking babae ka.

Sambit ng isip ko habang nakatingin sa kawalan. Hinding hindi ko na siya papatulugin sa bahay namin kahit kailan.

"Come with me." Isang nakakapangilabot na boses ang aking narinig mula sa isang babae, hindi sa natatakot ako kundi dahil sa kaba na baka matanggal na ako sa trabaho ko. Dalawang beses na akong late kaya feeling ko mabibigyan na ako ng warning.

Pumasok kami sa isang office kung saan may isang babae na nakaupo sa tapat ng bintana. Hindi ako makatingin sa kanya gayundin sa babaeng kasama ko. Tanging tunog lang ng isang mp3 ang nangingibabaw na ingay sa loob ng opisina.

"Iwan mo na kami."

Napalingon lang ako kay Trisha na sinamahan ako sa loob ng opisina, may inilapag siyang isang folder bago lisan ang opisina.

Napalunok ako ng marinig ang pagsara ng pinto ng makalabas si Trisha.
Bahala na, kung anuman ang sabihin niya bahala na talaga.

"Please take your seat." Malamig na boses mula sa isang magandang nilalang ang aking narinig kaya agad akong sumunod sa inutos niya. Seryoso at malalim ang iniisip, iyon ang basa ko sa expression ng mukha niya sa mga sandaling iyon.

"Don't stare at me, baka matunaw ako." Sunod niyang sambit, napansin niya siguro na kanina ko pa siya tinititigan. But honestly, nag iisip ako ng malalim, hindi ako mapakali, hindi ko alam ang gagawin if ever malaman ni Tita Gia ang ginawa ko. Hay mababaliw ako sa ginawa ko.

"Here is your...

"Please Jane, sorry di ko sinasadya. Sa susunod aagahan ko na ang gising. Please huwag mo lang akong tatanggalin, please." Nakapikit akong nagmamakaawa kay Jane habang magkahawak ang kamay ko na tila nagdadasal na huwag tanggalin sa trabahong meron ako ngayon.

"Ha?" Napamulat ako ng mata dahil sa sinabi niya, nakakunot na noo ang aking unang nakita ng maimulat ang aking mata.

'"Anong tatanggalin?" Ipinaghiwalay ko ang dalawa kong kamay na kanina lang ay nagmamakaawa sa kanya. At tila isa akong sunga sa harapan niya.

"Ahm, diba. Diba, late ako?"

"Oh ano naman kung late ka? Ito na ang plane ticket mo." Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya teka plane ticket. Para saan?

"Kahapon namin inasikaso ni Trisha ang lahat ng papel mo papuntang Sydney. Isa ka sa DJ na magiging kalahok para sa DJ Collide."
Tanging pagngiti  lang ang nagawa ko habang binabasa ang nakasulat sa plane ticket. Ito na 'yong pinakakahintay ko, ang DJ Collide na hindi ko nagawa sa Spain noong nagtatrabaho ako doon.

"So?"

"At bakit mo naman naisip na tatanggalin ka namin?"

"Kasi, kasi sa Spain....

"Kai wala ka Spain, okay?"

"Kasi naman....

"Sige may gagawin pa ako."
Tumayo na ako sa kinauupuan ko ng sabihin niya iyon. Tiningnan ko muna ang isang babae na nakaharap sa monitor ng computer niya habang hawak ang mouse, napapout na lang ako ng tumalikod sa kanya at naglakad palabas.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now