Chapter 36: Delicioso

477 15 0
                                    

Chapter 36: Delicioso

.

.

.

.

.

.

.

Kai's POV

Kanina ko pa napapansin na tila ayaw akong kausapin ni Jane, ang tanong ko lang may problema ba? May nasabi ba akong hindi maganda sa kanya? Natapos na ang lahat ng schedule namin pero parang hindi niya pa rin ako iniimikan. 

"Erin susunod na lang ako, may kakausapin lang ako."

"Naku Kai, wala sa mood ang taong yun. Tsaka tingnan mo ni hindi nga niya inubos ang binigay mong omelette." Napatingin na lang ako sa omelette na tila hindi nagalaw. Umalis na din si Erin kasama ni Rea at Lyn. Nauna na kasi sina Lexa at Ela sa taas.

Alam kong nasa dressing room si Jane kaya sinubukan kong kumatok mula sa labas.

"Come in." Rinig kong tugon niya ng kumatok ako.

"Can we talk?" Halatang nagulat siya ng makita ako mula sa salamin. Nag aayos siya ng buhok niya ng madatnan ko.

"About what?" May katarayan niyang sambit habang nagpapatuloy sa pag aayos ng kanyang buhok.

"May problema ba?" Napatigil siya sa pag aayos ng buhok niya at diretsong napatingin sa akin.

"What?" Tila nagulat din siya sa tanong ko kaya napabuntong hininga na lang ako sa reaksyon ng mukha niya. Bakit ko ba ginagawa ito? Haist, ewan ko din sa  sarili ko. Kasi nga may something. Napairap na lang ako sa sinabi ng isip ko. 

"What I mean is, ahmm."

"Don't worry walang problema, okay na? Sige may pupuntahan pa ako." Tumayo siya sa kinauupuan niya, pero bago siya makahakbang ay hinawakan ko siya sa braso para pigilan. Gusto ko ng malinaw na usapan, hindi yung ganito.

"Kahit sabihin mong wala, I sense there is." 

"Ikaw ang bahala, sinabi ko na nga sayo ayaw mo pang maniwala." Tiningnan niya ang pagkakahawak ko sa kanya, kaya napabitaw ako.

"Is this about  last night?" Baka kasi may kinalaman ito sa naging usapan nila ni Ela.

"What about last night?" Napakunot noo ako sa sinabi niya, nagpapatawa ba siya?

"About your nightmare?" She added. Hindi na ako nakasagot, kasi baka sabihin niya pinag uusapan namin siya ni Ela. Gusto ko lang kasing malaman ang totoong dahilan, kasi sa tono ng boses ni Ela kanina parang may hindi maganda siyang sinabi kay Jane.

"Sorry but I have to go, and it's urgent." Tiningnan ko lang siya palabas ng dressing, teka sino naman ang katagpo niya? Urgent ba talaga o iniiwasan niya lang talaga ako? Bakit mo naman tinatanong? tanong ng isip ko. Masama ba? Tanong ko naman, ito na naman ako kinakausap ang isip ko na parang magkaiba kami ng iniisip.

.

.

.

.

.

 Jane's POV

Nakakainis lang ang scene namin ni Kai kanina, chance ko na iyon para makausap siya ng masinsinan pero bakit ganun na lang ang inasta ko sa harapan niya. Haist, ang labo ko talaga. Ang sunga ko lang talaga. Alam ko ang tinutukoy niya, so alam niya na pala na nagkausap kami ni Ela kagabi.

"10 minutes late." Napatingin na lang ako kay Ela na naghihintay sa labas ng hotel, nakacross arm siya na tila hinuhulaan kung bakit nalate ako.

"Where are we going?" Tanong ko naman, bakit din kasi pumayag ako na sumama sa kanya? Matapos niyang sabihin yung mga sinabi niya tapos magyayaya siya ng ganito.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now