Chapter 30: Love Team

524 11 0
                                    

Chapter 30: Love team

.
.
.
.
.
.

Kai's POV

Maghahapon na ng makarating kami sa airport ng Australia, pero madami pa rin ang tao sa airport na naghihintay sa kanilang flight. Isang van ang nagsundo sa amin mula airport hanggang hotel kaya dirediretso ang biyahe, mabuti na lang at hindi traffic kaya mabilis kaming nakarating. Agad na din akong nagpahinga ng makarating sa hotel, pagod at antok ang sumalubong sa akin ng makarating sa hotel.

"Kai magkasama kayo ni Erin at Lexa sa room." Tumango na lang ako ng sabihin iyon ni Miss Hikari. Haist mabuti naman at makakalayo din kay Jane kahit papaano, naiilang na kasi ako sa kanya magmula noong mga nakaraang araw. Tapos kanina sa eroplano, hindi siya mapakali at palagi akong tinatanong kaya mas mabuti na ang ganito.

"Magpapahinga muna ako ha?" Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Lexa sa halip ay agad na humiga sa kama at ipinikit ang mata. Si Erin naman abala sa kachat niya. Wala na akong pakialam kung nakakalat ang gamit ko, pagod kasi ako kahit nakatulog ako sa biyahe.

.
.
.
.
.

Jane's POV

Bakit ba si Ela pa ang kasama ko sa room? Sinasadya ba talaga ni Miss Hikari na ilayo ako kay Kai? Haist!

"Jane maglibot muna tayo." Sambit ni Rea, kasama ko rin siya sa room. Mabuti na lang at tatlo kami kasi baka mapilitan akong matulog sa sofa.

"Oo nga, para naman may remembrance tayo sa lugar na ito." Sambit naman ni Ela, na nakapagpalit agad ng damit.

"Sige kayo na lang dalawa, magpapahinga muna ako." Pagsisinungaling ko, pero ang totoo ayaw kong kasama si Ela kaya mas mabuti kung lumayo na ako sa babaeng ito.

"May masakit ba sayo?" Hinawakan ako ni Ela sa braso ng aktong pupunta na sana ako sa kuwarto. Hindi ko sinagot ang tanong niya sa halip ay inialis ang kamay niya sa braso ko. Dirediretso akong lumakad at hindi na lumingon. Hindi ko pa siya napapatawad sa ginawa niya before then sa nangyari sa coffee shop, then kanina sa eroplano. Ginusto mo naman. Napakunot noo akong tumingin sa salamin na nasa kanang bahagi ng kuwarto, ng ibulong iyon ng isip ko. Dalawa ang kama ng room isang couple bed at solo bed, pero dahil ayaw ko ng mag isip pa agad na akong humilata sa kama at ipinikit sandali ang mga mata.

"I still love you."
"I still love you."
"I still love you."
"I still love you."

Agad akong napamulat ng mata dahil sa paulit ulit na boses na naririnig ko sa isip ko. Bumangon ako at lumabas sa terrace ng kuwarto. Tanaw sa di kalayuan ang pinakasikat na establishment ng Australia. Kaya napabuntong hininga na lang ako, nasa kabilang kuwarto lang si Kai kaya sinubukan kong tingnan ang terrace ng kuwarto nila. Bukas ang pinto ng terrace dahil nililipad ng hangin ang kulay cream na kurtina. Wala akong makita masyado kaya muli akong napabuntong hininga. Umupo ako sa upuan na nakalagay sa tabi at kinuha ang cellphone sa bulha ng pantalon ko.

Isang notification ang natanggap ko, kaya agad ko iyong binasa.

DJ Emily and DJ Naomi got arrived in Sidney Australia.

I click the link and watch the news I received. Nakangiting bumaba mula sa eroplano ang dalawang sikat na DJ sa buong mundo, masaya ako kasi mamemeet ko ang dalawa in person. And this is my chance to ask them about my feelings to Kai. And sana they can help with it.

"Jane." Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko, si Erin lang pala.

"Aalis kasi kami ni Lexa, e walang kasama si Kai tulog. Pwede mo bang bantayan?" Sambit ni Erin mula sa terrace nila.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now