Chapter 26: Hiccup

563 15 0
                                    


Chapter 26: Hiccup

.
.
.
.

Ela's POV

Nakasandal si Kai sa pader habang tulala ng dumating ako. Katatapos lang ng kanilang shots, agad naman akong inayusan ni Lexa.

"Mabuti at ngayon ka lang." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Bakit? Anong meron?" Napaisip ako kung ano na naman ang nangyari habang wala ako. Teka, baka may bago na namang model, or bagong photographer? Wait, baka naman may paparty si Miss Hikari? Teka, para naman saan ang party? Haist Ela, mukha ka ng party.

"Ah wala, palate late ka kasi. Teka ano bang sunod na theme?" Teka don't tell me may pasabog na naman ang Jane na yan, haist nakakainis talaga 'tong si Lexa.

"Sweet." Tipid kong sagot, kasi tatlo kami nina Kai at Jane sa theme na ito. Ayaw ko munang mag isip ng posture, dahil gusto ko pa ring malaman ang sinasabi ni Lexa. Mas maganda kasi kapag on the spot na para di makahindi kung sino man ang katabi ko mamaya.

"For sure may magaganap na namang nakaka intense." Intense? Ano ba ang gusto mo talagang sabihin Lexa? Naku, patay ka sa akin kapag nalaman ko pa iyan sa iba. Lalo kung tungkol sa akin.

"Pwede ba Lexa. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin? Kanina ka pa kating kati, at kanina pa din ako hula ng hula kung ano ba ang gusto mo talagang sabihin."

"Hala, usok na ang ilong. Chill ka lang, sasabihin ko naman sayo. Pero mamaya na, nausok na din kasi ang ilong ni Jera. Baka kainin ako no'n." Napatingin naman ako sa photographer namin, masama ang tingin sa aming dalawa ni Lexa.

"Siguraduhin mo lang na hindi bad news ang sasabihin mo."

"Basta mamaya na, kailangan ko pang tapusin ang make up mo."

Pagkalipas ng sampung minuto ay agad na din akong binihisan ni Lexa. Dress ang suot ko na baige, si Jane naman ay naka mini skirt ng itim habang si Kai peach. Ang cute ni Kai sa dress niya, naalala ko tuloy noong nagkakilala kami sa una kong trabaho. Ang cute din niya sa suot niyang peach shirt, hay iyakin pa siya no'n. Lagi kasing sa akin siya tumatakbo kapag naiyak siya. Napapangiti na lang ako sa tumatakbo sa utak ko, ang best friend ko na tanggap ako kahit ano pa ako. Ang swerte ko sa kanya, dahil nakilala ko ang tulad niyang mabilis magtiwala at maaasahan sa bagay na hindi kayang ibigay ng iba. Like, time, care, love, comfort lahat na yata. Kaya sana huwag samantalahin ng kung sino man ang kabaitan ng babaeng ito. Ang swerte ng makakasama niya sa buhay, ang bilis kasi niya makagets sa mga bagay na hindi siya sanay.

"Ela, pagitnaan niyo si Kai!" Sigaw ni Jera mula sa dilim, nasa aming tatlo kasi ang lahat ng ilaw kaya di namin sila maaninag.

Inangkla ko ang kamay ko sa braso ni Kai, tiningnan niya ako at nginitian pero bigla siyang bumaling sa kabila. Tiningnan ko naman kung ano iyon, si Jane na nakangiti kay Kai habang hawak ang beywang ni Kai. Ano bang ginagawa nitong si Jane? Tanong ng isip ko habang nakatingin sa babaeng iyon.

"Ela and Kai, magharap kayo!" Sinunod ko naman ang utos ni Jera, pero itong si Jane gumawa ng eksena. Inilapit niya ang mukha niya sa balikat ni Kai, kaya kapag lumingon si Kai magtatama ang kanilang ilong.

"Very good Jane!" Pagpupuri ng photographer kay Jane. Napansin kong hindi mapakali si Kai, kaya hinila ko siya ng kaunti para makalayo siya kay Jane.

"Nice Ela! One more shots!" Kinuha ko ang kamay ni Kai at hinawakan iyon, ngumiti si Kai gayundin ako. Salamat Kai dahil naging parte ka ng buhay ko bilang kaibigan ko, sana huwag kang magsawang inindihin ang feelings ko. Salamat sa lahat ng pagpunta kapag nababaliw na ako sa taong mahal ko na tila may iba ng mahal, sana hindi ikaw ang nagugustuhan niya. Hindi ko kayang makita ka na kasama ang mahal ko, pero hindi mo naman siguro magagawa sa akin ang bagay na iyon lalo pa at best friends tayo.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now