Chapter 44: Don't make me worry

495 15 0
                                    

Chapter 44: Don't make me worry 

.

.

.

.

Racel's POV

"Mrs. Gia emailed me about the DJ collide, so I want to inform everyone about the event. Kahapon katatapos lang unang event sa 2BG 873AM, kung saan napagtagumpayan naman ng station natin na makisabay sa mga foreign DJ's, but sumingit sa spot ang England DJ na si Emily. Trending siya ngayon dahil sa mga salitang binitawan niya habang nasa event." Medyo naiinis din ako sa babaeng ito, hindi man lang niya naisip ang magiging resulta sa mga pinaggagawa niya.

"Bukas ay mapapanood natin live si Kai at Caren sa last segment nila. So support our team by watching on air." Finally makikita ko na ulit si Kai, kaso sa monitor lang. Hindi ko pa rin siya nakakausap, pero ang sabi ni Matt sobrang busy at pagod kaya hindi ko na lang inaabala pa. Inaupdate naman ako ni Matt kaya may balita pa rin ako sa kanya.

"Racel punta ka sa office, may sasabihin ako sayo." Nagsilalisan na ang lahat at bumalik sa kani kanilang trabaho, ako naman ay sumunod sa utos sa akin ni Trisha. May hawak siyang brown envelope ng makapasok ako sa office.

.

.

.

.

Liam's POV 

"Hintayin mo na lang ako sa basement, thanks I love you." Isang text mula kay Trisha ang natanggap ko, nireplayan ko din agad siya, habang nakastop ang traffic lights.

Habang nasa daan ay napansin ko ang isang teaser na trending ngayon, sinubukan kong buksan ang cellphone ko para mapanood iyon, isang trending video mula Sydney Australia kung saan nandodoon ngayon sina Kai. Oo nabanggit ni Trisha ang tungkol sa DJ Collide na live ngayon sa Australia, mabuti na lang at may contact ako sa Sydney kaya napapanood ko ng live si Kai. Actually, hindi ko pa nababanggit kay Trisha ang tungkol kay Kai, Alexa kasi ang pakilala ko before. Ang totoo niyan namimiss ko na siya, the last I saw her is when I asked her. Mabuti nga at pumayag siya kasi sobrang namiss ko siya, lalo na at hindi ko siya nakausap ng ayos ng matapos ang graduation. Alam kong nasaktan ko siya, pero hindi ko naman ginusto na saktan siya sa simula pa lang. I'm thankful kasi nakilala ko ang tulad niya, she taught me a lot of things when I was in Spain. She treated me as her friend, pero di ko akalaking mafafall ako sa kanya. Hindi ko sinasadya pero masaya ako kapag kasama siya, kahit naman sino mafafall sa tulad niya, tanda ko pa nga before ang sungit sungit at ang taray taray din but after a couple weeks I figured out that she's sweet and lovable person. Then open naman siya kaya mas lalo akong humanga sa kanya, ewan mahal ko si Trisha pero si Kai ang palagi kong namiss. 

Tatlong taon ang tanda ko sa kanya, kaya minsan iniisip ko na lang huwag tingnan ang edad ko at edad niya. But the more I miss her the more I lied to Trisha, ayaw kong ipalabas na si Kai ang sumisingit sa relationship namin ni Trisha kaya habang maaga pa gusto ko ng itigil ito, pero ang hirap lalo pa at bumabalik sa akin ang mga alaala na kasama siya. Lalo noong araw na sinabi kong wala na kami, sunset iyon. Sinira ko ang magandang moment na iyon, dahil sunset is her favorite scenario everyday. 

Haist mababaliw na ako kakaisip sa pwedeng gawin makalimutan lang si Kai.

.

.

.

Kai's POV

Isang text ang natanggap ko mula kay Racel, binasa ko iyon.

"Kai, kamusta? Huwag magpapagod, remember may bukas pa. Tsaka kakain pa tayo sa isang turo turo dito sa may amin." Natawa na lang ako sa text niya, matagal na kasi siya nagyayaya na kumain sa turo turo malapit sa kanila. Hay kahit di ko siya replayan okay lang sa kanya, nakakainis lang kasi hindi pa rin makahanap ng signal ang phone ko. 

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now