Chapter 15: Late

693 15 0
                                    

Chapter 15: Late

.
.
.
.
.
.

Kai's POV

.
.
.

Hindi ko akalain na si Ela pala ang bagong model na tinutukoy ni Ms. Hikari.

"Tara na?" Nakatingin lang ako sa nakangiting si Ela na akala mo ay walang ginawang kasalanan sa akin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" I dropped my bag at her car, rinig kong napabuntong hininga siya sa ginawa ko.

"Hintayin mo ako dito." Iniwan ko siya sa labas at bumalik sa loob ng Plaza Hotel para magbanyo.

I was about to enter the restroom ng may mapansin akong kakaiba.

"Sorry pero hindi ikaw ang gusto ko tsaka may mahal akong iba." Isang pamilyar na boses ang aking narinig mula sa restroom, hindi lang malinaw dahil may echo ang boses niya, kaya hindi ko mahulaan kung sino ang nagmamay ari ng boses na iyon.
Narinig kong palabas na ang babaeng iyon kaya napatalikod ako at tumungo ng dumaan siya, baka kasi mapagkamalan niyang tsismosa ako sa lagay na iyon.
Hinintay kong may lumabas na isa pang babae sa loob ng restroom, pero wala kaya nagtaka ako.

So nasa cellphone pala ang kausap niya. Sino naman kaya iyon?

Teka bakit ba ako nagtatanong e hindi ko naman buhay iyon, tsaka sino ba siya sa akin para magtanong ako. Haist kung anu ano talaga ang naencounter ko ngayong araw na ito. And speaking of that, ang kaninang nagmake up sa akin ay isa palang lesbian. Ela already told me and she is her make up artist since magsimula siyang magmodel. I don't want to mention her name cause I remember the moment she's putting some make up in my face, and it flashing back again and again.

Pumasok na agad ako ng restroom ng mapagtanto na kanina pa pala ako nakatungo sa gilid ng pintuan. Mabuti at hindi ako nakasuot ng belt kaya nahubad ko kaagad ang pants ko, dahil sobrang naiihi na talaga ako kanina pa.

.
.
.

"Ang tagal mo naman, saan ka ba galing?" Inis na tanong ni Ela, hindi ko na lang sinagot ang tanong niya sa halip ay pumasok na lang ako sa kotse at umupo sa passenger seat. Ipinasok niya ang bag ko na ibinagsak ko kanina sa ibabaw ng kotse niya, hindi naman magagasgasan ang kotse niya dahil cotton naman ang bag ko. Ilang segundo ang lumipas ay pumasok na rin siya, tumingin na lang ako sa bintana dahil ayaw ko pa siyang kausapin. Habang nakatingin sa bintana nahagip ng mga mata ko ang isang babae na sasakay pa lamang ng kotse.

Teka bakit siya nandito? Sinundan niya ba ako?

Nagtataka kong tanong sa sarili. Pero nagbago bigla ang tanong ko sa isipan ng makita siyang may kasama.

Anong ginagawa nilang dalawa dito? Tsaka sino ang naiwan sa station?

"Kai! Hoy!"

"Oww bakit?!" Sigaw ko sa tumatawag sa akin, ang kulit kasi.

"Saan tayo kakain? Teka ano ba kasi ang tinitingnan mo diyan?"

"Sa bahay na lang tayo." Sabay hawi sa kurtina na nasa tabi ko. Ang malas talaga ng araw ko.

"Ano ba kasi ang tiningnan mo sa labas at kanina ka pa di makausap ng ayos."

"Wala!"

"Anong wala?"

"Umalis na tayo bago ko pa siya masampal!"

"Ahh so dapat pala ang dapat kong itanong is sino ba ang tiningnan mo?"

"Pwede ba Ela, tigilan mo ako. Dinagdagan mo pa ang kasalanan mo sa akin."

"Okay po, baka ako pa ang masampal ng bruha."

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now