Chapter 38: Trending

495 12 0
                                    

Chapter 38: Trending

.

.

.

.

Jane's POV 

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kahapon, tulala at tila wala sa sarili akong bumalik sa room ng marinig ang boses nina Rea at Jethro.

"Girl finally!"

"Hindi talaga ako makapaniwala, pero secret lang natin ito ha?"

"Oo, grabe kinikilig ako ng sobra sa kanilang dalawa. Yie!!!" Natawa na lang ako sa pinag uusapan nina Rea at Jethro. Nagpanggap akong kakadating ko lang, baka kasi mahalata nila na nakikinig ako sa kanilang dalawa. Nang makapasok ay agad kong napansin na nakatingin ang dalawa sa akin.

"What?" Nagtataka kong tanong, kasi kahit ako kinikilig sa mga nangyayari kahit hindi pa rin makapaniwala. 

"Ah wala, ganda mo ngayon ah?" Napatingin na lang ako kay Jethro ng kulbitin niya si Rea, na halatang nag uusap sa isip.

"As always naman, nga pala bilisan ninyo diyan. Magsisimula na ang event, nacheck niyo na ba ang rank natin?" Pag iiba ko ng usapan.

"Speaking of that Miss Hikari gave me this site to visit our position in ranking." Tiningnan ko ang site at binisita iyon, tatlong company ang naglalaban sa first spot. Pero walang nakalagay kung anong company iyon, halos points lang ang pagkakaiba. 98.3, 98.4, 98.2 habang ang kasunod ay 95.9. Kinakabahan ako sa magiging resulta para mamaya, pero dahil sa nangyari kahapon natatalo ng kaba ko ang kaba sa mga susunod na araw dahil sa nangyari sa amin ni Kai.

.

.

.

.

Bago ang last day event, ay tumungo muna ako sa balcony. Sinubukan kong tawagan si Mommy, sa pangatlong ring ay sinagot na din agad niya. Actually nandito din sila sa Australia pero nasa Western Australia, Cannington Perth sila. Kaya hindi ako makabisita sa kanila. Halos 1 araw ang biyahe kung gagamit ako ng land trasportation pero kapag eroplano, mahigit 9 hours ang biyahe. New South Wales kasi ang Sydney kaya malayo layo din. Hindi ko sure kung   makakapunta sila sa DJ Collide, dahil tila may biglaang appointment sila doon.

"Yes my dear." Bungad na bati sa akin ni Mommy.

"Mom, I miss you."

"We miss you too honey, by the way is there any problem?"

"Nothing Mom, I just wanted to hear your voice, where's Dad?"

"He is talking to the CEO, why?"

"I just miss him."

"By the way, honey I heard that you and Kai are..... 

OMG paano nalaman  ni Mommy? Pagpuputol ko, pero di ko pa sure kung anong sinasabi niya.

"I'm happy that you and Kai work to each other for the RMF." Nagtaka naman ako.

"What?" Gulat kong tanong sa sinabi ni Mommy.

"Is there any problem with that?"

"Nothing Mom, I thought...

"You thought what?"

"Nevermind that thing, see you on weekend."

"About that, sorry anak actually yung kausap ni Daddy mo ngayon ay isa sa mga company na gustong makipagpartnership sa atin. So this coming weekend hindi kami makakadalo ng DJ Collide."

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon