Chapter 33: KAIBIGAN

498 13 0
                                    

CHAPTER 33: KAIBIGAN

.

.

.

Jane's POV

After the event bumalik na din kami agad sa room namin, busy ang lahat kasi may event ulit mamayang gabi, and this time magsisimula ang pagbibigay rank. Sa loob ng tatlong araw matatapos na din ang event na ito. Wala akong magiging pahinga kasi after the three days na event DJ Collide naman ang aasikasuhin ko, na gaganapin din dito sa Sidney but not in the same hotel, kasi isang sikat na station ang pupuntahan namin. I am excited but a little nervous, kasi first time kong maghandle ng ganito.

"Alam mo kanina ang daming nagpapapicture kay Kai." rinig kong boses ni Rea , hindi ko alam kung sino ba ang kausap niya. Tatlo kasi kami ngayon dito sa kuwarto, ako, si Rea at si Jethro, nakahiga ako sa kama habang nakapikit ang aking mga mata, kailangan kong magpahinga kasi hanggang 10 pm dapat gising na gising kami.

"Ay oo, tapos nameet ko nga yung isa."

"Oo, ako din. Ano ngang pangalan no'n?"

"Hindi ko tanda e, pero infairness ang ganda niya ha."

"Oo, tsaka ang bait bait pa."

"Alam mo Rea sadyang mababait ang mga taga France, city of love nga sila."

"Oo na, teka di ka ba nagugutom?" Rinig kong sambit ni Jethro, imbes na makatulog ako, parang mas nagising ako dahil sa pinagkukwentuhan nila.

"Nagugutom na nga rin ako."

"Tara kain muna tayo sa baba."

"Nga pala nagyayaya si Kai after the event, puntahan daw natin yung favorite place ng Tita niya dito sa Sidney." Rinig kong bumukas ang pinto kaya alam kong paalis ang dalawa. Tanghali na din kasi natapos ang event.

"Ah oo, nabanggit sa akin ni Kai yan e, teka ano ngang pangalan no'n?"

"Basta yung may word the treat, yun na yun." Narinig kong sumara ang pinto ng kuwarto kaya napabangon ako sa kinahihigaan ko. Iniisip ko kung sino ba ang tinutukoy nilang taga France kasi dalawa ang representative ng France, it's either Sofia or Cris. Teka bakit ko ba inaalala ang mga bagay na iyon? Tanong ko sa isip ko. Kasi nagwoworry ka na baka maagaw ng kung sino yang mahal mo na hindi mo naman sure kung mahal ka din or interesado din sayo. Nagulat na lang ako sa sinabi ng isip ko. Pati ba naman ang bagay na iyon pinoproblema ko.

"Wait lang!" Nagulat ko ng marinig iyon, kaya bigla akong humiga sa kama at nagtulog tulugan.

"Sure ka bang siya yun?"

"Oo, ang sweet nga nila dalian mo kasi diyan."

"Wait nga lang kasi! Saan ko ba nailagay iyon." Wait don't tell me si Kai at yung model ng France ang tinutukoy ng dalawang ito.

"Bilis paalis na sila, Kai pasabay kami!" Rinig kong sigaw ni Rea.

"Teka, dito ko lang yun iniwan kaninang umaga e." Ramdam kong papalapit na si Jethro sa kama, tila may hinahanap siya.

"Hay salamat nakita ko na din. Sandali!" rinig ng magkabila kong tainga ang pagtakbo ni Jethro, isinara na niya ang pinto ng dahan dahan, ang akala niya kasi natutulog ako.

Sumunod ka kaya, baka mamaya niyan iyak ka na lang ng iyak diyan dahil di ka gumawa ng aksyon. Nagdadalawang isip ako na sumunod kasi ano naman ang karapatan ko, e di ko naman pagmamay-ari si Kai. Hello, sunga ka ba o sunga ka talaga? Ikaw ang bahala, huwag kang iiyak iyak diyan kapag nawala na siya sayo.

Bumangon na ako at agad nagpalit ng damit, mabuti na lang at tanaw ko pa sina Rea na nagtatawanan habang may kausap, nakatalikod siya. Parang yun yung pinag uusapan nila kanina. Napansin kong wala doon si Kai, kaya napakunot ang noo ko.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now