Chapter 3

5.9K 255 75
                                    

'Real Talk'


"Bakla ka ba talaga?" Tanong ni Wilder kay Archer na nananahimik lang dun sa sofa. Tiningnan lang siya ng masama ni Archer at hindi siya sinagot. "Or maybe you just convinced yourself that you're gay. Hmm." Mapang-imbestiga nitong sabi kaya binato na siya ni Archer ng magazine.


"Shut up."
Inis na sabi ni Archer sa kanya pero natawa lang si Wilder.


"Tatawa-tawa ka diyan, hindi pa nagigising si Zia."
Walang ganang sabi ni Audin kaya lumingon naman ang iba sa kanya. Kanina pa kasi ito walang gana at puro si Zia ang bukang-bibig nito. "Oh, she'll wake up." Nakangiting sabi ni Wilder.

Audin just scoffed and crossed his arms.


"You were that confident about Team Alpha. And look what happened to them now?"
Tanong ni Audin sa kanya kaya pati sina Xy at Ash ay tumingin na kay Audin.

"Hey, personalan na 'yan ah. Tsaka bakit ba ang bad mood mong tiyanak ka? Naubusan ka ng cake 'no?" Tanong ni Wilder at tinukso pa si Audin sabay kurot ng pisngi nito pero tinulak lang siya ni Audin at medyo napalakas ata ito dahil tumilapon na si Wilder sa kabilang sofa.


"I'm not in the mood."
Sabi ni Audin at tsaka na lumabas ng mansion. Everyone looked at him weirdly.

"He's afraid Zia might end up like Team Alpha. Stuck in bed for months." Sambit ni Shinshi na nagbabasa ng libro dun sa kabilang sofa. Tumingin naman ang iba sa kanya. "But she'll be fine. She's Zia." Depensa ni Wilder.

Tumingin lang si Shinshi sa kanya.


"'Wag masyadong confident, Wilder. Zia's not a goddess. She can still di—"
Hindi na tinapos ni Shinshi ang sasabihin niya at sinara nalang ang librong hawak niya at umalis narin. It was a bad way to spend their morning.



✥✥

"Did you hear? Zia's in a coma."
"Coma? What the hell? Why?"
"They said someone planted a spell on her."
"Ha?"

"Hatdog." Lahat ng mga kaibigan ni Alice ay napatingin sa kanya nung dumating siya. "Alice, narinig mo ba—"


"Oo, alam ko na. Kalat sa UHT. Tsaka may tenga ako mga sis."
Diretsong sagot ni Alice habang nagdidilig na siya ng mga halaman niya. Agad namang nagsilapitan ang mga kaibigan niya sa kanya na siyang kasama niya lang din sa department nila. "Kilala mo kaya kung sino?" Tanong ng isa sa kanila kaya tumigil muna si Alice sa pagdidilig ng halaman at tumingin sa bintana.


"I have a hint, pero parang impossible."
Aniya kaya kumunot naman ang noo ng mga kasama niya.


"Si Trin ba?"
Tanong ng isa sa kanila at mahina namang natawa si Alice. "Puro kembot at kunting sakit lang naman alam ni Trin. It's impossible to be her." Sagot ni Alice.


"So, sino?"
Tanong rin nung isa kaya tuluyan nang binaba ni Alice ang watering pot na hawak niya at tsaka humarap sa mga kasama niya. "It's a secret." Agad namang bumagsak ang balikat ng mga kasama niya dahil hindi ito ang iniexpect nilang sagot.


"I'll tell you once I confirm it."
Sabi ni Alice at ngumiti.


"Siguro inggit lang kay Zia ang may gawa nun."
Natatawang sabi ng isa sa kanila.


"Hindi naman kasi kasalanan ang pagiging maganda ang charismatic, mga sis. Sadyang pinaligo lang si Zia ng ganda at appeal kaya sandamakmak ang boylet niya."
Natatawang sabi ni Alice at nakitawa narin ang mga kasama niya at tsaka na sila umalis. At pag-alis nila ay dun na nawala ang ngiti ni Alice at tsaka binuksan ang isang notebook.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now