Special #4

4.1K 229 72
                                    

'Uno'


"Another kid?"
Five years old Uno asked. Tumango lang ang ama niya at ngumiti habang nagtatago naman sa likod niya ang isang batang babae. Agad namang umalis si Uno kaya pinaupo na muna ng ama nila ang batang babae at binigyan ito ng isang basong tubig.

They live deep in the forest at may kalumaan na ang bahay nila. Molds were starting to form from the corners of the house at kapag umuulan ay tumutulo ang tubig mula sa bubong.


Pagbalik ni Uno ay may dala na itong kumot at tsaka ito binigay sa batang babae. Hindi niya sana ito tatanggapin pero ngumiti si Uno sa kanya. "It's okay, it's clean." Nakangiting sabi nito kaya ngumiti kaagad 'yung batang babae at tsaka tinanggap ang kumot.

The girl was wearing a black bonnet at tatanggalin sana ito ni Uno pero lumayo ang bata sa kanya. Ngumiti nalang siya at tinago ang kamay niya sa likod niya.


"What's your name?"
Tanong ni Uno sa kanya.


"Sa.. Samara."
Nahihiya nitong sagot.


"I'm Uno. Kuya Uno."
Nakangiti niyang sagot at tsaka ginulo ang buhok nung batang babae. Saglit na umalis si Uno at tsaka pumunta sa kwarto pero muntik na siyang matumba dahil nasira na naman ang pinto nito.


"Pa, kailan mo po aayusin 'tong pinto?"
Tanong ni Uno pero wala siyang nakuhang sagot kaya pumasok nalang siya sa kwarto at ginising ang tatlong batang lalake na natutulog sa iisang kama.


"Two, Third, Four, gising. May bagong bata dun sa sala."
Aniya at dahan-dahan namang nagising ang tatlo at sabay na umupo tsaka pasuray-suray na naglakad palabas. "Si Five, asan?" Tanong niya kay Four na nabunggo dun sa door frame.


"Lumabas. Mamimitas raw siya ng bulaklak."
Inaantok nitong sagot at lumabas na. Lumabas narin si Uno at tsaka pumunta sa kusina para tulungan ang ama niya sa pagluluto. Kumuha siya ng mga kahoy sa labas at sinimulan ang apoy.


"Where's Five? Dapat siya ang gumagawa niyan."
Mahinahong sabi ng ama niya. "She's picking flowers." Sagot ni Uno at sinubukang gumawa ng apoy pero ayaw nitong lumiyab. Nanginig ang kamay ni Uno nung makitang wala nang laman ang lalagyan ng posporo.


"Get Four."
Sandaling natigilan si Uno sa sinabi ng ama niya at tsaka tumingala.


"'Wag na po. Kaya ko 'to."
Sagot niya at sinubukan paring gumawa ng apoy pero ayaw parin. Nanginig na ang kamay ni Uno dahil dito. "Tawagin mo si Four." Mariing sabi ng ama niya kaya napayuko nalang si Uno at ikinuyom ang kamao niya.


"F-Four.."
Nanginginig ang boses niya nung tinawag niya si Four na agad namang sumilip sa kusina. Uno beckoned him to come closer at naglakad naman kaagad palapit si Four sa kanila habang kinikusot pa ang mata nito.


"Bakit, Kuya?"
Tanong nito.


"Start the fire, Four."
Mariing sabi ng ama nila habang naghihiwa ito ng mga gulay. Four looked at his Father with a confused face at tsaka tiningnan si Uno na nakayuko lang at mahigpit ang hawak sa lalagyan ng matches na wala nang laman.


"K-Kuya, ayoko. M-Masakit."
Nauutal na sabi ng isang apat na taong gulang na si Four habang tinatago ang kamay niya sa likod niya.


"Gutom na ang mga kapatid mo, Four. You need to start the fire now, son."
Mahinahong sabi ng ama nila kaya unti-unti nang tumulo ang mga luha ni Four habang naglalakad siya palapit sa mga kahoy. He breathed in and then breathed out fire, his dragon scales showing on his neck as he breathed fire to the woods.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now