Chapter 17

4.7K 200 30
                                    

'The Village'


Tiningnan lang ni Lucas si Audin na nakasakay na sa likod ng higanting lobi. In fact, lahat sila ay nakasakay na sa likod ni 'Shammie'. Wilder was still wiping his face and his hair with a wet towel habang nagmumukmok naman sina Shinshi at Atlas dun sa gilid.


"Anong problema nung dalawa?"
Tanong ni Ash kay Xy habang nakatingin siya kina Shinshi.


"I guess it's a wolf thing. Getting licked and all. Especially from a giant wolf like this one."
Natatawang sabi ni Xy at tiningnan si Zia na parang tulog na dahil nakapikit ito at nakasandal sa likod ni Reed. Blu was sitting next to them.


"DinDin, hindi mo sinabing ganito pala kalaki 'yung 'aso' mo."
Sabi ni Lucas at tiningnan si Audin na dahan-dahang nagmulat ng mga mata. "Wala namang nagtanong." Mahina nitong sagot.


"Take a rest, DinDin."
Saglit na natigilan ang lahat dahil bigla nalang nagsalita. It felt like the voice was above their heads but at the same time it felt like it was carried by the wind. Kumunot naman ang noo ni Wilder at tiningnan si Audin.


"Sino 'yun?"
Tanong ni Wilder.


"S-Si Shammie."
Tipid na sagot ni Audin at huminga ng malalim. "Wah, nagsasalita talaga siya?" Natatawang tanong ni Wilder pero bigla nalang huminto si Shammie. The wolf immediately growled at looked at them kaya siniko na ni Shinshi si Wilder.


"'Wag mo raw kasing pakialam si DinDin."
Sabi ni Shinshi kaya nagkibit-balikat nalang si Wilder at humiga sa hita ni Zia pero dahil dito ay nagising niya lang ito. Agad na umayos ng upo si Zia at hinawakan ang batok niya.


"Ang likot mo kasi."
Suway ni Ash kay Wilder nung magising nito si Zia. Zia just smiled at them and yawned again. "Ba't parang puyat ka? Puro tulog lang naman ginawa mo sa bahay ah." Sambit ni Xy at binigyan ng tubig si Zia.

Tinanggap niya ito at ininom.

"Ewan. Inaantok lang talaga ako." Sagot nito. Lucas just looked at her.


"Tulong laway ka pa."
Pang-aasar niya rito kaya napahawak kaagad si Zia sa pisngi niya dahilan para humagalpak ng tawa si Lucas. Mahina lang siyang sinipa ni Wilder at tiningnan naman siya ng masama ni Zia.


They were going down the mountain and the sun from the mountain top disappeared from their sight at dahan-dahan na silang pinapalibutan ng lamig ng gubat. Shinshi stood up and went closer to Zia to give her warmth.

Tumabi narin si Wilder kay Shinshi pero tinulak lang siya palayo nito.


"Ano ba?! Unfair! Pasali!"
Inis na sambit ni Wilder kaya agad siyang hinila ni Atlas.


"Sa akin ka nalang."
Sambit nito pero agad na napangiwi ang lahat maliban kay Audin dahil sa sinabi ni Atlas – who obviously didn't have any idea what he just said.


"Pare, straight ako. Sa iba nalang, please."
Sambit ni Wilder kaya agad siyang binatukan ni Atlas at tsaka hineadlock. Mahina nalang natawa sina Zia sa kanila at umirap naman si Shammie dahil ang lilikot ng mga nakasakay sa likod niya.

"At tsaka, Wilder, hindi mo naman kailangan ng init kasi—"


"Because I'm already hot?"
He cut off Shinshi's words so all of his teammates looked at him in pure judgement, especially Reed and Lucas' face.


"Ayoko talaga sa lamig at kapag nilalamig ako, nanununtok ako, Wilder."
Mahinahong sabi ni Atlas na nagpatawa naman kina Xy at Ash na nakikinig lang sa kanila. Wilder just shrugged his shoulders at tinaas-baba pa 'yung kilay niya.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now