Chapter 47

4.5K 242 94
                                    

'Accepting thy Fate'


Wesy was already on his knees one minute after returning to Venator. Nakatingin lang si Zia sa kanya habang nakayuko ito. "Hmm, you came back." Tipid na sabi nito at dahan-dahan namang inangat ni Zia ang tingin niya rito.


"Will you kill me?"
Tanong niya at saglit na tiningnan ang kambal na nandun lang sa gilid at nakatingin sa kanila. Zia shook her head. "Pagod ako." Sagot nito at tsaka humiga.


"Masyadong malakas 'yung lason na nainom ko nung pumunta ako kay Uno. My body needs time to kill it."
Dagdag ni Zia at inayos na ang kumot at tsaka pumikit. Dahan-dahang tumayo si Wesy at tiningnan si Zia.


"Kinausap mo na ba 'yung elderly Hunters?"
Tanong nito. "I already talked to Avia." Sagot ni Zia habang nakapikit. "Desisyon ko na raw kung babalik pa ba ako." Dagdag niya at tsaka bumuntong-hininga.


"So, babalik ka ba?"
Tanong ni Lezo habang nakasandal lang sa pader. Hindi sumagot si Zia at gumulong lang sa kama at tsaka tumingala.


"Uno probably saw what happened."
Aniya at sinapo ang mukha.


"It's my fault. Sana hindi ako nagtagal. I got too carried away. Akala ko kasi pwede na akong bumalik nang tuluyan. It's just that seeing my family makes me forget most of the things that are going on."
Napabuntong-hininga nalang si Lesis at tsaka dahan-dahang naglakad palapit kay Zia. Namulsa siya at tiningnan ito.


"You also got too carried away and it looked like you were leaving for good. Pwede ka namang bumalik basta alalahanin mo lang kung ilang oras ka magtatagal dun."
Mahinahong sabi ni Lesis sa kanya.


"And don't worry. I created a blue shield while explaining to them about your situation. At tsaka pinabibigay rin ng Mama mo."
Ani Wesy at binigay kay Zia 'yung kwintas na pinabibigay ni Xin. Wesy also snapped his fingers and all the things that Team Alpha got her, appeared.


"They sent you stuffs so that you won't get bored while you're here."
Tipid na ngumiti si Zia sa sinabi ni Wesy at tsaka pumikit muli.


"Nga pala, nakatulog ka ba ng maayos? Baka naman isa 'yun sa rason kung bakit mas lumalala 'yung pagwawala mo."
Sambit ni Lezo na nagpangiti kay Zia kaya sandaling kumunot ang noo nilang tatlo.


"I actually had the best sleep after being a Hunter."
Sagot ni Zia kaya naningkit naman ang mga mata nung tatlo. "Best sleep?" Tanong ni Lesis.


"Ahh, the Van Saint effect."
Nakangising sabi ni Wesy at nagkatinginan naman sina Lezo at Lesis.


"Talaga?! Natulog kayo sa isang kama?! Did you make a baby?"
Agad na tinapon ni Lezo ang flower vase kay Lesis dahil sa tanong nito. Mahinang natawa si Zia at tsaka gumulong sa kama para takpan ang mukha niya ng unan.


"He didn't want to."
Diretsong sagot ni Zia.


"The hell?! You really asked him to?! Tapos tumanggi siya?"
Naguguluhang tanong ni Lezo at hinawakan naman ni Wesy ang panga niya at parang nag-isip pa. "Tumanggi? Baka bakla." Ani Wesy at tsaka tiningnan si Lesis.


"Oi! Ba't ako na naman?!"
Galit niyang tanong. Natawa lang ang dalawa at wala nang nagawa si Lesis kundi ang mainis nalang.


"Oi, Zia. Kailan ba natin pipigain si Uno? I'm bored with his games."
Reklamo ni Lesis at umupo dun sa sofa. Sandaling minulat ni Zia ang mga mata niya at tiningnan si Lesis. "We're not involved." Tipid niyang sagot.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now