Chapter 55

4.8K 253 121
                                    

[a/n: whole chapter containing Team Alpha only lol I just miss these dorks]


--


'Alphas Know'


"Ewan ko ah, pero parang ginagawa niyo nang panganakan 'tong kaharian ko. Not that I'm complaining." Natatawang sabi ni Duke habang nakatingin kina Seth na tinutulungan si Addie na makaakyat sa hagdanan.

He just reminded the team of the day Xin gave birth at this very kingdom at kung paano sila nagkagulo noon.


"Can we blame you? Your medical services are great."
Natatawang sabi ni Walter dahil dito rin sa Elenor pinanganak si Wilder. Only Celise was the one born in a hospital in the human realm despite her parents being a dragon and a soulless human.


"Paniguradong dito na naman ipapanganak 'yan,"
ani Dino at tinuro ang tiyan ni Keya na hindi naman masyadong nahahalata na may dinadala na pala ito.


"That's it, I'm carrying you."
Agad na kinarga ni Seth si Addie sa mga braso niya dahil parang aabutin sila ng ilang oras sa pag-akyat sa napakahabang hagdanan papunta sa palasyo ng Elenor. Tumingin naman sina Jayden sa kanila at mahinang natawa.


"When are you guys planning to get married? Baka maunahan pa kayo ni Xy niyan,"
sabi ni Walter sa kanila. Mahina namang natawa sina Joshua at tinuro si Jayden.


"Wala yatang papatol sa ugali nito."
Natatawang sabi ni Matthew kay Jayden na tiningnan lang siya ng masama at hinarap siya.


"Ahh, masyado ka namang perfect. Kaya pala hindi ka pinili,"
sumbat ni Jayden sa kanya kaya humagalpak ng tawa sina Vernon at Walter habang nakatingin kay Matthew.

Wolfie just huffed but also laughed. Ayaw niyang magsalita dahil ayaw niyang siya na naman ang bigyan ng atensiyon ng iba lalo na ngayon na wala silang masyadong ginagawa at marami silang oras para tuksuhin ang isa't-isa.


"'Yan kasi, manunukso ka na nga lang, 'yung demonyo pa 'yung tinutukso mo,"
sabi ni Walter sa kanya. Vernon was confused. "Dude, you're the demon. Jay's an angel." Vernon said. Walter huffed at tsaka tinuro si Jayden.


"'Yan? Anghel? Pati si Shua nga dinedemenyo na niyan."
Humagalpak ng tawa sina Dino dahil sa sinabi ni Walter kaya tinapon kaagad ni Jayden ang kung ano mang mahawakan niya. Hindi na nabigla si Duke nung hinablot ni Jayden ang korona niya't ito ang ibinato kay Walter.

Napabuntong-hininga nalang si Duke nung makitang dumiretso ang korona sa water falls dahil inilagan lang ito ni Walter.


"I have three options. First, let the mermaids look for it. Second, I'll just get a new crown. And third, get the hell out of my Kingdom, you two."
Inis niyang sabi pero tinawanan lang siya nina Jayden. Tinapik-tapik nalang ni Milo ang balikat ni Duke para kumalma ito.


Nung tuluyan nang makapasok sina Seth sa palasyo ay inutusan kaagad ni Duke ang mga palace maids na samahan sina Addie sa magiging kwarto nito at pag-alis nina Addie at Keya ay sakto namang nagbukas ang isang portal sa labas ng Elenor.

Tumingin ang lahat dito at nakita nilang naglalakad palabas ng portal sina Xin, Jun at si Hoshi na nakasunglasses pa.


"Wala pang araw, tanga."
Natatawang sabi ni Dino sa kanya dahil kahit alas sais na ng umaga ay hindi pa sumisikat ang araw sa Elenor. "Hindi na kailangan ng araw kasi ako mismo ang araw." Mahangin na sabi nito kaya napangiwi nalang sina Baxter na nakatingin sa kanya.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now