Chapter 24

4.8K 188 56
                                    

'Black Portal'


"Sa lahat ng pwedeng puntahan, why here?" Reklamo ni Wilder nung makita niya ang sign ng Diamond Hill Academy sa gate. "Eh? Bakit? Anong meron dito?" Tanong ni Audin kina Xy.


"Ito 'yung inutos nila kaya wala na tayong magagawa."
Sagot ni Xy at naglakad na papasok sa campus. Hinarang pa sila nung guard pero nung makita nito si Zia at Lucas ay tsaka na sila pinapasok. "Baka naman si Dolly lang 'yung pakay mo rito, Wen." Nakangising sabi ni Ash.

Siniko naman agad siya ni Xy para tumahimik.


"Nga pala, Zia. Tuluyan na ba kayong umalis ni Lucas sa school na 'to? Diba pareho pa kayo ng course noon?"
Tanong ni Shinshi kaya napatingin naman sina Reed kay Zia na tahimik lang na naglalakad. Lucas looked at her too at naghintay na si Zia na ang sumagot.


"We had to drop out because of the team."
Pasimpleng sagot ni Zia.


"Shame. Gustong-gusto mo pa naman 'yung kurso mo."
Sambit ni Ash at tinapik ang balikat ni Zia na ngumiti lang.


"Omg! Si Lucas! Bumalik siya!"
"Wait, what?! Asan bes?!"
"Girls! Si Lucas! Tsaka may iba pa siyang kasama!"


Napatingin saglit sina Archer dun sa mga babaeng nasa gilid na nagtitilian. He just rolled his eyes at tsaka inakbayan si Lucas na nasa tabi niya lang. "Quite popular, huh?" Tanong niya pero inalis lang ni Lucas ang pagkakaakbay nito sa kanya.


"Bilisan natin. We only have four hours until Blu's sun concealment wears off."
Sabi ni Xy at naglakad naman ng mabilis ang team. Inayos nalang ni Zia ang jacket na suot niya at tsaka tumigil para itali ang sintas ng sapatos niya.

Blu waited for her to finish.


"Pare! Si Zia!"
"Asan?! Asan?!"
"Ayun, pre. Hanep! Ang ganda parin!"
"Mas lalo siyag sumeksi, pare!"


Glares, deadly stares, and death threats greeted those who said those words dahil sabay na tumingin ang team sa kanila dahilan para saglit silang mapaatras.


"Gusto mong mamatay ng maaga?"
Nakangising tanong ni Wilder sa kanila kaya hinila nalang siya ni Shinshi palayo at tsaka pinatabi kay Atlas para pigilan ito sa kung ano mang gagawin nito.

Tumayo na si Zia at pasimpleng naglakad pabalik sa team.


"You okay?"
Tanong ni Blu nung mapansin niyang kanina pa ito tahimik. Because Zia would normally smile and ask questions, pero ngayon ay ang tahimik nito.


"I was reading books all night. Pagod lang ako."
Nakangiting sagot ni Zia. Tumango nalang si Blu tsaka bigla nalang nawala at pagbalik nito ay may dala na itong kape mula sa vending machine. Agad itong tinanggap ni Zia at ininum para mawala ang antok niya.


"Hoy, ba't ba kayo magkatabi? Zia, halika nga rito!"
Suway ni Xy at hinila na palapit si Zia sa kanya. Natawa nalang si Blu at tsaka tumabi kay Reed.

The crystal on Reed's arms was covered because he was wearing a jacket that Lucas lent to him. Himala nga at nagpahiram ng damit si Lucas.


Habang naglalakad sila ay napapansin na ni Zia na may mga babaeng nakasunod sa kanila. Probably wanting to gather information about each guy in the team. Mahina nalang siyang natawa at tsaka nilapitan si Shinshi.


"Ba't feeling ko parang may gustong pumatay sa akin dito?"
Natatawang tanong ni Shinshi sa kanya.


"That's normal. Mom had the worse."
Natatawang sagot ni Zia at inubos na ang kapeng binigay ni Blu sa kanya. Indeed, it woke her up. "Hindi ko naman hiniling na puro lalake 'yung myembro ng team natin, at oo, aaminin ko, they're all good-looking. May taste rin 'yung pumili sa team ah." Agad na natawa si Zia dahil sa sinabi ni Shinshi at tumango-tango nalang.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now