Last Chapter

4.1K 241 233
                                    

[a/n: 'Wag mag-alala. May book three pa. Joke lang talaga 'yung matatapos na ang series. Ang dami pa kasing issues na hindi na-solve. Underdeveloped rin 'yung ibang characters at syempre mas gagawin ko pang baliw si Audin. :) ]


--


'The Angel of Midnight'



Room 218.


Reed was already on the second floor of the hospital building at kasalukuyan siyang naglalakad papunta sa room 218. Namamawis ang kanyang mga palad habang inaayos niya ang kanyang damit. Nung makarating na siya sa harap ng pinto ay nagdadalawang-isip pa siya kung bubuksan niya ba ito o hindi.


"Sir? Excuse me, but are you a relative of the patient?"
Agad siyang tumingin sa nurse na nagsalita sa gilid niya at ngumiti rito.


"Uhh, no. Nautusan lang ako na dalhan siya ng bulaklak dahil hindi makakapunta rito 'yung kapatid niya,"
sagot ni Reed dahilan para kumunot ang noo nung nurse.


"But I thought he was an orphan,"
sabi nito at noo na naman ni Reed ang kumunot at dun niya lang nakuha ang nangyayari. Uno might've registered Twelve as an orphan so that once he heals, diretso siya sa ampunan at baka may umampon pa sa kanya doon.

Reed just smiled and snapped his fingers. The nurse immediately closed her eyes at walang imik itong naglakad palayo kaya tuluyan nang nakapasok si Reed sa hospital room ni Twelve.


'Timothy Flynn'


Your last name was Flynn, huh?
Isip ni Reed at dahan-dahang lumapit sa kama ni Twelve. He was sound asleep kaya nilapag na ni Reed ang bulaklak na dala niya pati ang mga prutas. He then sat on the chair and just looked at Twelve the entire time he visited.

Nung tumingin siya sa wall clock ay nalaman niyang alas dos na pala at malamang nasa Elenor na 'yung team niya.


"I hope you find a good family, Tim. You deserve it after all I've done to you and after all you've been through."
Tumayo na si Reed at namulsa sa jacket niya tsaka tumalikod.


"Did you succeed, Kuya?"
Agad na natigilan si Reed dahil biglang nagsalita si Twelve dahilan para humarap siya ulit dito. "Did you take over the realm? Or did you kill Kuya Uno?" Sunod-sunod na tanong nito habang nakatingin lang sa kesame.

Dahan-dahang lumapit si Reed sa kanya at umupo muli sa upuang nasa gilid ng kama nito.


"None of the above,"
sagot niya at mahinang natawa si Twelve dahil dito at tsaka na siya tumingin sa mga mata ni Reed.


"That kid, he changed you."
Nakangiting sabi ni Twelve, referring to Audin. Sandaling namang napaisip si Reed dahil sa sinabi nito.


"It's funny because we thought that you would change because of Zia, pero hindi pala. All it took was a kid, 'yung kinidnap mo pa."
Natatawang sabi ni Twelve kaya natawa narin si Reed at kumuha na ng isang orange at binalatan ito.


"Can you even forgive me after all I've done to you?"
Tanong ni Reed habang nagbabalat parin ng orange. Twelve just smiled. "I'm not mad at you, Kuya Reed." Tumingin kaagad si Reed sa kanya dahil sa sinabi niya.


"I'm even glad you're no longer the lord of darkness,"
aniya at tinanggap ang orange na binigay ni Reed sa kanya.


"Pero Kuya, ayoko sa ampunan. Gusto kong makasama sina Kuya Uno at sina Ate Six,"
sabi ni Twelve at dahan-dahan nang umupo sa kama niya. He looked at the bandages on his arms and legs and smiled. "Kasi kahit masungit sila, inaalagaan rin naman nila ako sa gabi." Nakangiting sabi ni Twelve.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now