Special Scenarios

4.2K 181 88
                                    

'Audin's Guardian'


"For today, tao ako. T-A-O." Nakangiting sabi ni Audin habang naglalakad sa lugar na maraming tao. He paid a visit at the human realm at dala-dala niya ang black VIP card ni Milo na binigay nito sa kanya kapalit nung panahon na muntik na siyang gawing baliw nito.

Audin looked around the shops at nakita niya ang isang department store.


"Food first,"
aniya at pumasok kaagad.


"Hello, little boy~"
Masiglahing bati sa kanya nung part-timer na babae. Ngumiti si Audin sa kanya at tsaka lumapit sa mga chips at kumuha ng maaalat at maanghang. He also put a gallon of ice cream on his cart at dahil may kataasan 'yung cart ay hindi na niya nakikita ang dinadaanan niya.


"I'm almost nine years-old pero ang pandak ko parin,"
Isip niya at inabot ang isang pack ng lollipops tsaka nilagay ito sa cart. Ang habang tinutulak niya ito ay hindi niya sinasadyang mabunggo sa mukha mismo ang isang batang lalake.

Natumba ito at umiyak kaya agad na hinila ni Audin ang cart niya paalis bago pa man dumating ang magulang nung bata.


"Hindi ko naman sinasadya,"
sabi niya sa sarili at pumunta sa cup noodles section at kumuha narin ng mga maaanghang na noodles. He grabbed some candies, sodas at pati 'yung natitirang slice ng strawberry shortcake ay binili niya narin.

Pumunta na siya sa cashier para magbayad pero tiningnan lang siya nung cashier na para bang naghihintay ito sa magbabayad.


"Ako po, ako po mismo magbabayad. Eto po 'yung card,"
sabi ni Audin at binigay pa sa cashier 'yung black VIP card. Saglit itong nagulat nung makita ito pero agad namang tumalikod at parang kinakausap ang manager ng department store.

Matapos nilang mag-usap ay tiningnan nila si Audin na naiinip na kahihintay. Hindi kasi siya kumain ng breakfast at nagugutom na siya.


"Hello, baby boy. Ikaw lang ba mag-isa? Where's your parents o baka naman guardian mo? Hindi ka pa kasi pwede bumili gamit ito. You need adult supervision,"
sabi ng cashier sa kanya kaya napangiwi nalang si Audin at hinawakan ang tiyan niya.


"Do you have a phone? If you don't, you can use our phone and call your guardian,"
sabi nung cashier kaya sandali namang nag-isip si Audin kung sino ang tatawagan niya. He then took out Wilder's phone, na siyang kinuha niya ng walang paalam at tinawagan si Milo.

Nakailang rings pa bago ito sumagot sa tawag niya.


"I'm in Shenzhen. What is it?"
Bungad nito sa kanya. "Shenzhen? Saan po 'yun?" Tanong niya.


"Just get to the point, kid. Anong kailangan mo?"
Tanong ni Milo kaya agad na pinaliwanag ni Audin ang problema niya kay Milo. "Alright, I'll send someone to help you," sabi nito kaya ngumiti kaagad si Audin at nagpasalamat.

Sinabihan niya ang cashier na papunta na 'yung guardian niya kaya pinaupo muna siya nito sa gilid.


Makalipas ang ilang minuto ay bumukas na ang pinto ng department store kaya agad na tumingin si Audin dito at parang nanigas siya sa kinauupuan niya nung makita si Reed na kakapasok lang at parang hinahanap siya.

Agad na bumaba siya Audin sa upuan at tinakpan ang mukha niya gamit ang jacket at nagmadaling umalis pero may humawak na sa kwelyo ng jacket niya.


"'San ka pupunta?"
Tanong ni Reed sa kanya.


"Hehe~ hello."
Nakangiting bati ni Audin at hinila na siya ni Reed papunta sa counter at tiningnan ang mga gusto niyang bilhin. Audin looked up at Reed using his puppy eyes and smiling so cutely so that he can get what he wants.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now