Chapter 38

4.3K 256 125
                                    

'Silent Bird'


Wilder hissed, feeling pain seep through his head. Dahan-dahan siyang nagising at naipikit muli ang mga mata dahil isang palo mula sa ina niya ang nakuha niya. "Ow! Mom!" Reklamo niya at tsaka gumulong sa kama.

Wilder froze, nasa kama siya, sa kwarto niya, sa Alpha village. Agad siyang umupo at tiningnan si Keya na inis na nakatingin sa kanya.

"Kaya ba hindi ka umuuwi rito sa village kasi ilang gabi ka nang lasing dun sa UHT?" Inis na tanong ng ina sa kanya. Sinapo nalang ni Wilder ang mukha at tinakpan ng kumot ang katawan dahil naka-boxers lang pala siya.


"Ano bang nangyari?"
Wilder froze again. His Father's tone is different this time. Dahan-dahan niyang tiningnan si Walter na naglalakad papasok habang may dalang isang baso ng tubig. Binigay niya ito kay Wilder at naghalukipkip.


"Dinala ka ni Shinshi dito."
Dagdag ni Walter na naging dahilan para mapaubo si Wilder. Naningkit ang mga mata ng ama niya.


"Wilder.."
Ma-awtoridad na tawag nito sa pangalan niya kaya napalunok siya at dahan-dahang tiningnan ang ama. "I'm warning you." Dagdag nito.


"'Yang puso mo."
What Walter said brought a frown in Keya's face. Malungkot itong nakatingin sa anak niya kaya huminga nalang ng malalim si Wilder at lumapit sa ina tsaka niyakap ang beywang ito.


"Ma, masama sa kapatid ko kapag malulungkot ka."
Ani Wilder kaya hinampas lang siya ng ina. Walter sighed at ginulo nalang ang buhok ni Wilder tsaka tinapunan ito ng tuwalya.


"Xy's calling your team for a meeting. Maligo ka muna."
Sabi ni Walter at tsaka na sila umalis ni Keya sa kwarto ni Wilder. Wilder huffed, got into the shower and faced the mirror. "Holy shit." Aniya nung makita ang marka sa leeg niya.


"Tangina, 'san ko ba nakuha 'to?"
Tanong niya at tiningnan ito ng maigi. He had a hickey on the gap between his shoulder and his neck. Sinapo ni Wilder ang noo at nag-isip ng mabuti. All he could remember was talking to Shinshi at the training site.

And it can't be Shinshi. That's impossible. He knows how she hated his guts.


Binalewala nalang niya iyon at naligo na.


✥✥

"It's thirty-eight degree Celsius outside and you're wearing a turtle neck?" Tanong ni Archer kay Wilder na nakapamulsang naglakad papasok sa meeting room. "Who gave you a hickey this tim—" Bigla nalang dinamba ni Wilder si Archer sa pader.

Nabigla ang team at umalerto kaagad.


"Hoy, ano ba 'yan?"
Suway ni Ash at pinaglayo ang dalawa. Tumayo narin si Reed at hinila palayo si Archer na kunot-noong nakatingin kay Wilder. "Palagi ko namang tinatanong 'yun sa kanya pero ngayon lang siya nagalit. Tch." Inis na sabi ni Archer at inayos ang polo niya.


"Wilder, ano bang problema mo?"
Tanong ni Ash sa kanya pero inalis lang ni Wilder ang pagkakahawak nito sa kanya at tsaka umupo.


"Anong problema dito?"
Sandaling natigilan ang lahat nung pumasok na si Xy sa meeting room. He had his specs on at parang kakatapos niya lang sa mga paperworks. Tumikhim sina Reed at tiningnan sina Shinshi at Atlas na kakapasok lang. Xy quickly cheeked the blue shield surrounding the meeting room.

Wilder took a glance at Shinshi and then looked away.


"Nireregla po si Wilder."
Sagot ni Audin habang nagbabasa ng isang makapal na libro tungkol sa programming. Hindi nalang umimik si Wilder at umupo naman si Xy dun sa harap.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now