Chapter 18

4.7K 257 77
                                    

'Fallen Terantias'


"Ayoko na. Nakakapagod!" Reklamo ni Wilder at basta-basta nalang binitawan ang kahoy na hawak niya kaya tumama ito sa paa niya. Agad siyang napasigaw at sinipa 'yung kahoy dahil sa galit pero nasaktan niya lang muli ang sarili niya.


"Ow! Damnit!"
Sigaw niya at tsaka gumulong sa sahig. Kunot-noo naman siyang tiningnan ng team.


"Dumbass."
Bulong ni Shinshi at dinaanan lang si Wilder. Blu helped Wilder up and tapped his back habang hawak-hawak parin ni Wilder ang paa niya. "Ba't ba hindi nalang tayo umuwi? Magaling na si—"


"No, DinDin needs to heal overnight." Sambat ni Shammie mula sa labas kaya sumilip naman si Wilder sa kanya. Sasabat pa sana si Wilder pero naalala niyang ang laki ni Shammie at baka lapain lang siya nito kaya bumalik nalang siya sa loob.


"Kung ayaw mong tumulong, manahimik ka nalang."
Sabi ni Ash sa kanya at nagkibit-balikat naman si Wilder tsaka ngumisi at umupo sa isang maruming sofa.


Zia walked around the house, looking at some picture frames at napahinto siya nung makita niya ang isang family picture. It was Audin and his family. Zia smiled. 'He looks so cute in this photo.' Isip niya at dinala ito sa labas at pumunta sa fountain kung saan nandun parin sina Reed at Audin.


"May pagkain ka ba?"
Tanong ni Audin kay Reed na tahimik na nakaupo sa gilid. Tumingin naman si Reed sa kanya. "Puro pagkain lang ba talaga nasa isip mo, huh?" Reed asked.


"Hindi naman. I think of girls too, you know."
Sabi ni Audin at tinaas-baba pa ang kilay niya. Mahinang natawa si Reed at kumuha ng sandwich sa backpack niya at tsaka ito binigay kay Audin.


Nung makalapit na si Zia sa kanila at sabay naman silang tumingin sa kanya. Napansin narin ni Audin ang dala nitong picture frame. Zia went closer to the fountain and cleaned the dusty picture frame at nung malinis na ito ay pinakita niya ito kay Audin.

Audin looked at it and gave her a weak smile.


"Ang ganda ni Momma oh."
Aniya at hinawakan na ang picture frame.


"Hey, I'm sorry about your loss."
Malambing na sabi ni Zia at hinawakan ang pisngi ni Audin. Audin just smiled at tsaka tiningnan muli ang picture frame.


"Tsaka ang pogi talaga ni Dadda. Kasing pogi ko."
Sinapo nalang ni Reed ang noo niya dahil sa sinabi ni Audin at mahina namang natawa si Zia tsaka pinisil ang pisngi ni Audin.


"Hey, I'm a little curious about something."
Sambit ni Reed kaya naglakad na si Zia palapit sa kanya at sabay silang tumingin kay Audin. "The Terantias language is different, right?" Kunot-noong tanong ni Reed at tumango naman si Audin bilang sagot.

Kumunot narin ang noo ni Zia dahil dito.


"Then.. how did you learn our language?"
Tanong ni Zia kaya saglit namang nag-isip si Audin.


"I just pick up words from everyone."
Mas lalong kumunot ang noo nina ni Reed dahil sa sagot ni Audin.


"So, you just listen to the words that we use at tsaka ginagaya mo? That's how you learned our language?"
Tanong ni Zia at tumango ulit si Audin bilang sagot. "Kaya nga may ibang salita pa akong hindi alam. Tinatanong ko naman si Wilder pero hindi naman niya sineseryoso ang mga tanong ko." Nakayukong sabi ni Audin.


"Kasi akala ko nagbibiro ka lang."
Napalingon silang lahat sa gawi ni Wilder na nandun na pala sa gilid ng fountain at nakasandal sa pader habang nakatingin kay Audin. Sumimangot lang si Audin sa kanya. Napabuga nalang si Zia ng hangin.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now