Chapter 54

3.9K 235 116
                                    

'Member Number One'


"Anong nangyari kay Lucas?" Unang tanong ni Atlas nung makitang lutang si Lucas habang papasok ito sa alpha mansion kasama si Zia. Tumingin lang si Zia sa kanila at ngumiti. "He's fine," sagot nito at tsaka tiningnan si Xy.


"Wanna get up?"
Tanong niya at tumango naman ito bilang sagot. Dahan-dahang yumuko si Zia at maingat na kinarga si Audin na tulog-mantika. Pag-alis ni Audin ay tumayo kaagad si Xy sabay nag-inat ng muscles niya.

Zia just cradled Audin in her arms and patted his back lightly so that he would sleep again. Habang ginagawa niya 'yun ay nakatingin pala si Blu sa kanya mula sa kusina.


Seeing Zia looking outside the window, with Audin in her arms as she rocked their bodies and hummed so that Audin would sleep, hindi alam ni Blu kung anong nararamdaman niya't bigla nalang siyang napalunok.


"Wife material na ba?"
Mapanuksong tanong ni Archer kay Blu. Yumuko nalang ito at uminom ng tubig.


"For pete's sake, she's eighteen."
Mahinang sabi ni Ash sa dalawa dahil narinig niya ito. Archer just snickered habang gumagawa naman ng hot choco si Blu dahil inutusan siya ni Xy.


Zia just looked outside the window and then leaned her cheeks to Audin's. She whispered something to him kaya dahan-dahang minulat ni Audin ang mga mata niya at tsaka tiningnan si Zia. "Understood, baby DinDin?" Nakangiting tanong nito.

Audin just looked at her for a whole minute and then he nodded.


Nagtaka pa sina Wilder kung anong binulong ni Zia rito pero hindi narin sila nagtanong. Ibinaba na ni Zia si Audin at pinuntahan naman kaagad ni Audin si Reed.


"Sina Tito, umalis na ba?"
Tanong ni Zia sa Kuya Xy niya. "Yeah, they took the portal to Elenor. Sina Mommy at Tito Hoshi nalang ang nandito kasama si Dad," sagot ni Xy at tiningnan si Zia na inaayos ang golden robe niya.

Dahan-dahan niya itong nilapitan at sinabing mag-usap sila sa terrace. Sumunod naman si Zia sa kanya at nung dumaan sila sa kusina ay nginitian lang ni Zia si Blu na napalunok na naman.


"Hey, can I get a hug?"
Biglang tanong ni Xy kaya tumingin naman si Zia sa kanya at mahinang natawa.


"What for, Kuya? Miss me already?"
Natatawang tanong nito. Ginulo ni Xy ang buhok ni Zia at pinisil narin ang pisngi nito. "Kilala na kita. Alam ko na namang may binabalak ka kaya bago man mangyari ang mga 'yun, sana naman mayakap pa kita ng matagal bago ka umalis." Sandaling napayuko si Zia dahil sa narinig niya.

Xy slowly stepped closer towards his sister and then drew her in his arms.


"I'm so sorry, baby. I'm not a very good brother like I thought I would be."
Mahinang sabi ni Xy habang yakap-yakap ang kapatid niya. Lumingo-lingo lang si Zia at tinapik-tapik ang likod ni Xy.


"You already know what will happen tonight, don't you?"
Tanong ni Xy sa kanya. Hindi sumagot si Zia at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap kay Xy. "Don't worry. You'll be fine," she said.

Pinaupo na siya ni Xy sa bench at pumasok ito saglit para kunin ang hot choco na pinagawa niya kay Blu at bumalik sa terrace sabay bigay ng hot choco sa kanya.


"Oh, hot choco galing dun sa boyfriend mo."
Agad na tumingin si Zia kay Xy at dahan-dahang ngumiti na para bang tinutukso niya pa ang Kuya niya. Tumingin naman si Xy sa kanya at pinaningkitan siya.


"What? He already got interrogated by the whole family. Siguro sapat na 'yun para tanggapin ko nang may aagaw na nga sa 'yo mula sa amin,"
sagot ni Xy at binaba sa mini table ang kape na dala niya para sa sarili.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now