Chapter 32

4.3K 247 110
                                    

'Little Bird'


"I did?" Tanong ni Zia. Mahinang tumango si Lucas at kumuha ng orange dun sa fruit basket.


"But I like your second promise better."
Mas lalong kumunot ang noo ni Zia dahil dito. "What? May second promise pa ako?" Natatawang tanong ni Zia at tumango naman si Lucas.


"Nangako ka sa akin na gagaling ka. That you will be healthy."
Pasimpleng sagot ni Lucas at binigay kay Zia ang orange na binalatan niya.


"Nangako ka na gagaling ka para hindi na umiyak ang Mommy mo. Para hindi na nagpupuyat kakabantay sa 'yo ang Kuya mo at para makatakbo ka na sa field na puno ng bulaklak. That promise is better than the first one."
Nakangiting sabi ni Lucas at ginulo na ang buhok ni Zia.


"Kaya magpagaling ka. Ayoko sa mga sumisira ng pangako."
Dagdag ni Lucas at namulsa na tsaka tumalikod at nagsimulang maglakad palabas pero saglit siyang tumigil.


"At kapag gumaling ka na, I'll wait for you at the flower field."
Aniya at tuluyan nang umalis.



✥✥

"Uno already attacked the north." Napasapo na si Duke sa mukha niya nung marinig ang sinabi ni Miu. Tinapik ni Baxter ang balikat niya at tumingin naman ang Team Alpha kina Ash at Xy na sumali sa meeting nila.


"We could attack Uno's army pero mawawala ang pinagplanuhan natin na kukunin ang lason mula sa kanila."
Pagpapaliwanag ni Xy na nagpatango sa Team Alpha.


"At sigurado si Reed na hindi tinapon ni Uno ang lason. If it's true that he gave it to this Twelve kid, then ang batang 'to ang dapat nating pagtuunan ng pansin."
Sabi ni Ash. Once again, Team Alpha nodded at their words at nagkatinginan pa.


"Do we have visuals on this Twelve kid?"
Tanong ni Jayden kay Miu pero lumingo-lingo lang ito.


"Sa mga umatake, 'yung mga kapatid lang ni Uno ang nandun. Uno and Twelve aren't in the frame. They must be preparing for their final attack."
Pagpapaliwanag ni Miu.


"Teka, nasan ba si Reed? He should be here. Mas kilala niya si Uno."
Ani Dino at tumingin kay Xy.


"Kinakausap siya ni Zia."
Sagot ni Xy at sandaling yumuko. Xin saw Xy's hands tremble habang pilit niya itong tinatago sa ilalim ng mesa. Napansin rin ito ni Ash na napabuntong-hininga nalang at tsaka tumingin kina Seth.


"Break na muna. Titingnan ko lang kung nag-eensayo ba 'yung mga pasaway na 'yun."
Ani Seth at tumayo na sabay hila kina Joshua at Jayden. Tumayo narin ang iba at tsaka lumabas maliban kina Xy, Jun at Xin.

Hoshi also stayed habang pinapaikot niya ang upuan at tsaka nakanguso. Bago rin umalis si Miu ay inutusan siya ni Hoshi na gawan ng blue shield ang meeting room.


"M-Mom, gagaling naman ang kapatid ko diba?"
Tanong ni Xy habang nakayuko parin.


"Just trust your sister, baby."
Malambing na sabi ni Xin sa anak niya at hinaplos ang pisngi nito. Stress and sleep deprivation were visible in Xy's eyes kaya lumapit na si Jun sa kanya at tinapik-tapik ang balikat niya.


"Hindi na gagaling si Zia."
Diretsong sabi ni Hoshi habang pinapaikot parin ang swivel chair. Agad na nanginig ang labi ni Xy at tsaka tiningnan ang Tito niya. "W-What?" Nauutal na tanong ni Xy.

Hoshi looked at him.

"Hosh.." Mahinang sambit ni Xin para pigilan ito pero tumingin lang si Hoshi kay Xy. Hoshi already knows how it feels to have lost someone so important to him. He once lost Xin and Xy in the same year. Alam niya ang nararamdaman ni Xy.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now