'Sweet Farewell'
"Akala ko ba matutulog ka?" Agad na tumingin si Lucas sa pinto nung marinig niya ang tanong ni Chloe. Pumasok ito sa kwarto niya't naglapag ng isang baso ng grape juice sa side table ng kama ni Lucas. "Not sleepy anymore." Tipid na sagot ni Lucas.
"That's because you weren't sleepy in the first place. Ayaw mo lang talagang makita sina Zia at Blu na nag-uusap." Sabi ni Chloe kaya tiningnan siya ng maigi ni Lucas at pinaningkitan pa ito.
"Sinabi ko na, diba? Humahanga lang ako kay Zia." Sagot ni Lucas, which was an obvious lie kaya binato siya kaagad ni Chloe ng unan. Sinalo niya naman ito at tsaka tiningnan ang best friend niya. "Ako pa ba uutuin mo, Lucas Tristram Braeden?" Nakangiting tanong ni Chloe sa kanya.Lucas just looked at her.
"Alam kong gusto mo parin si Zia. I have no problem with it." Diretsong sabi ni Chloe dahilan para mas lalong maningkit ang mga mata ni Lucas.
"Ba't mo ba 'to ginagawa sa sarili mo, Chloe?" Tanong ni Lucas sa kanya at kumunot naman ang noo ni Chloe. "Ang alin?" Tanong nito.
"Speaking to me about them. Comforting me about them. Fine, I admit it. I still like her. Hindi ka ba nagagalit kay Zia dahil gusto ko siya?" Tanong ni Lucas at bigla nalang natawa si Chloe at tsaka inayos ang pagkakahawi ng see-through bangs niya at tsaka ngumiti kay Lucas."Bakit naman ako magagalit sa kanya? Wala naman siyang kasalanan kasi in the first place, hindi ka niya pinilit na magustuhan mo siya. Sadyang isa ka lang talaga sa nagkagusto sa kanya. Ano pa bang magagawa ko dun? Pipilitin kong sa akin ka nalang magkagusto? Ang cheap naman nun, Andrei." Natatawang sabi ni Chloe sa kanya.
Lucas bit his lip and looked at her. She was laughing sincerely. Not a fake one or a forced one.
"At tsaka alam mo, kung ako ang nasa posisyon ni Zia tapos ganito ka? Ewan ko nalang sa 'yo. Tingnan mo si Blu, handang talikuran 'yung pamilya niya para kay Zia. Galaw-galaw din kasi." Chloe teased him.Huminga ng malalim si Lucas at tiningnan si Chloe na nakangiti.
"I am such a jerk, huh?" Tanong ni Lucas at tsaka sumandal sa pader.
"Telling you I won't exchange our time with someone I'm just amazed with. Making you think I'd like you back. Sinasaktan na kita, Chloe. Napakagago ko." Sinapo na ni Lucas ang mukha niya pero inangat niya rin naman ito nung marinig niya ang mahinang pagtawa ni Chloe."Honestly, medyo umasa ako dun. But knowing you, I contained myself. Sapat na sa akin na nakikita ka, Andrei. As long as you're safe and healthy, I'm fine with everything." Nakangiting sabi ni Chloe. Her smile was so sweet that Lucas wanted to punch himself knowing he's hurting the girl who's special to him.
Dahan-dahan na siyang lumapit kay Chloe at niyakap ito kahit nakaupo ito sa kama. Chloe wrapped her arms on Lucas' waist and closed her eyes.
"Just keep it low, okay? Nasasaktan parin ako kapag nakikita ko kayong dalawa. Give me time to heal, Andrei." Mahinahong sabi ni Chloe at ikinuyom nalang ni Lucas ang kamao niya."Kung bakit ba kasi hindi nalang ikaw ang nagustuhan ko?" Tanong ni Lucas at mahina namang natawa si Chloe at tsaka kumalas na sa pagkakayakap.
"We can't choose who we fall in love with, Andrei."
✥✥
YOU ARE READING
Midnight Angels: The War
Fantasy[COMPLETE] "Welcome to the war." [Team Alpha: Second Generation Part 2]