Chapter 57

3.9K 221 104
                                    

'Morphed'


"Hey, do you have more wine?" Tanong ni Zia at inikot-ikot pa ang wine glass na nasa kamay niya. Uno pointed at the shelf that was once full of wine pero ngayon ay wala nang laman.


"Inubos mo na lahat. Now, can you leave? You're annoying," ani Uno at nag-iwas kaagad ng tingin kay Zia nung tumingin na ito sa kanya.


"I'm annoying? I'm not annoying! I'm cut—c-cool. I'm cool. You, you're annoying. Nasa basement 'yung wine 'no?"
Nakangiting tanong ni Zia. Uno had already questioned his life right now, seeing the enemy in front of him, talking drunk with her cheeks going pink and her ears going red.


"Zia, we're already in the underworld. Sa tingin mo may basement pa rito?"
Uno asked.


"At bakit ba ang lakas mong uminom?"
May halong inis na tanong ni Uno sa kanya. Mahina lang natawa si Zia at tiningnan ang walang laman na wine glass. "You won't believe me when I say this, but drinking your wine is the only thing that's keeping me awake right now." Nag-iba ang tuno ng boses ni Zia nung sinabi niya 'yun.


"But also, ironically, your wine is the only thing that can make me drunk and numb."
Dagdag ni Zia at ibinaba na ang baso sa mesa at tsaka bumuntong-hininga.


"Where is Twelve anyway?"
Tanong ni Zia kay Uno kahit kanina pa siya gustong paalisin nito. Uno just glanced at her and didn't answer her question. Dahil dito ay tumaas ang kilay ni Zia at tiningnan si Uno at umayos siya ng upo.

Her drunken state started to slowly fade when Uno didn't answer her question.


"I asked, where is Twelve?"
Tanong niya ulit. Bumuntong-hininga si Uno at sinapo ang mukha niya.


"Ano bang pakialam mo? All of us are going to die anyway, right?"
Tanong nito dahilan para kumunot ang noo ni Zia. All the wine she took felt like it was washed out from her body dahil biglang nagising ang diwa niya dahil sa sinabi ni Uno.


"Uno, anong ginawa mo kay Twelve?"
Tanong niya at dahan-dahan nang naglakad palapit kay Uno pero itinaas lang nito ang kamay kaya tumigil si Zia sa paglalakad. Uno glanced at her one more time and he gave her a smirk.

A meaningful one.


"Ano naman sa 'yo kung anong ginawa ko sa kapatid ko?"
Natatawang tanong ni Uno sa kanya.


"Uno, he's just a kid. What did you do?"
Mariing tanong ni Zia sa kanya. He just huffed and smiled again.


"Unfortunately, kahit ilang taon na siyang nanirahan sa realm na 'to, his body is still human,"
aniya kaya kumunot ang noo ni Zia at dahan-dahan nang nabubuo sa utak niya ang patutunguhan ng mga sinasabi ni Uno.


"But it's okay. Pwede naman siguro akong kumuha ng pampalit sa kanya. Twelve is like a disposable cup that I put something in and take that out and get rid of him. Madali lang naman siyang palitan—"
Hindi kaagad natapos ni Uno ang sasabihin niya dahil nasa harap na niya si Zia at hawak-hawak na ang kwelyo niya.

Zia's eyes were bright purple as he looked at Uno.


"What the hell did you do with the kid?"
She asked him. Uno smirked and scoffed.


"As of now, wala pa naman. But if you don't see him during the war, then you know what that means."



Zia's hands trembled as she looked at Uno's empty right-side. Twelve wasn't there. At sa napag-usapan palang nila, she already had an idea on what Uno did.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now