Chapter 44

4.4K 248 210
                                    

'Midnight Memories'


"Bobo ba talaga ako?" Tanong ni Duke habang nakataas ang paa sa mesa at halos nakahiga na siya sa swivel chair. Tumingin naman ang Team Alpha sa kanya. "Oo, ba't mo natanong?" Diretsong sagot ni Baxter at sumimangot nalang si Duke.


"E kasi kahit ilang beses niyong ipaliwanag sa akin kung bakit nagkaganun si Zia, hindi ko parin maintindihan."
Saglit na natigilan ang team sa mga ginagawa nila at tsaka tiningnan si Duke na nakatingin lang sa kesame ng meeting room.


"Oo, alam kong naging Hunter siya para gumaling siya dahil 'yun lang naman ang paraan para gumaling siya. And yes, ginusto niya ring maging Hunter para mas lumakas siya.. pero.. wala talaga. Bobo ko talaga."
Ani Duke at sinapo na ang mukha.


"Kaya nga puro Tom and Jerry at Spongebob lang 'yung pinapanood ko para hindi na ako ma-stress."
Bulong niya pa habang sapo-sapo ang mukha.


"Napagod si Zia."
Saglit na tinanggal ni Duke ang kamay sa mukha niya at tiningnan si Matthew dahil sa sinabi nito.


"Bakit hindi nalang siya nagpahinga?"
Inosenteng tanong ni Duke. Umiling si Matthew at mahinang natawa.


"Napagod siya sa atin."
Aniya at dun na tuluyang tumigil ang lahat sa mga kilos nila at umupo nalang sa mga upuan at tsaka tiningnan si Matthew na patuloy sa pagtingin sa mga papeles habang nagsasalita.


"She got tired of covering for us while she's bearing the pain of being the living poison. She got fed up with all of the pressure that the gods and everyone is giving to her. Napuno na siya kaya tuluyan na siyang sumabog."
Mahinahong sabi ni Matthew habang nakikinig naman ang iba sa kanya.


"Napagod siya kakahintay kung kailan tayo gagaling. Napagod siya kakasunod ng mga utos na ayaw niyang gawin. Napagod siyang pigilan 'yung sarili niya na gawin ang gusto niyang gawin. She was trapped inside the bubble of responsibility. And she wanted to be free."
Pagpapatuloy ni Matthew.


"Her actions and plans are the results of being too fed up."
Dagdag niya.


"Bakit mo naman nasabi ang mga 'to?"
Tanong ni Joshua.


"In case you forgot that aside from Jun and Xin, ako ang palaging kausap ni Zia."
Nakangiting sabi ni Matthew, probably showing off that he's closer to Zia than the rest. Sumimangot naman kaagad sina Hoshi.

Napabuga nalang ng hangin si Matthew at yumuko.


"Kapag talaga napagod ka na at hindi mo na alam ang susunod mong gagawin, most of the times, you'll go crazy."
Ani Matthew at kumunot naman ang noo ni Dino.


"You're calling our baby girl crazy?"
Natatawa nitong tanong at tumingin naman si Matthew sa kanya.


"She just said 'Fuck you' to Zeus. In his face."
Ani Walter na gusto lang sanang manahimik pero natawa siya sa naisip niya. None of them couldn't imagine the look on Zeus' face when Zia said those words.


"Hayaan na natin kung ano man ang nangyayari. Kapag naguguluhan parin kayo, iuntog niyo lang 'yung ulo niyo sa pader."
Sabi ni Jayden na kakapasok lang at may dalang pagkain. Nilapag niya ito sa mesa at tsaka inakbayan si Duke na nakatulala parin.


"What if she just ends up hurting herself?"
Alalang tanong ni Vernon habang kumakain ng pizza.


"Is nobody going to ask what if she ends up hurting Xinny?"
Tanong ni Dino kaya tumingin naman ang iba sa kanya. "Ano namang ibig-sabihin niyan?" Kunot-noong tanong ni Wolfie.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now