Chapter 42

4.1K 263 172
                                    

[a/n: This update is a bit short since I don't want to add fillers, also, because I'm still sick af. Enjoy!]


--


'Warnings'


"Wait, Drake was gay?!" Gulat na tanong ni Blu kay Dior na tumango lang at kunot-noong tiningnan si Lesis na parang nawalan na naman ng buhay dahil nakatunganga na ito.

"L-Lezo, sabi mo girlfriend. Bakit—b-bakit lalake 'yung jowa ko?" Wala sa sariling tanong ni Lesis sa kambal niya na naghalukipkip lang at ngumuso.


"At least tama akong may jowa ka nga at letter D 'yung unang letra ng pangalan. Tsaka tama rin ako, bakla ka nga."
Sumbat ni Lezo sa kanya. Lesis felt like he was shot by an arrow in the chest at kailangan pang humawak sa balikat ni Wesy para ibalanse ang sarili niya.


"Kaya pala sinasabi mong pamilyar si Blu ah? Naaalala mo pala 'yung jowa mo."
Panunukso ni Lezo sa kambal na sinipa na siya dahil sa inis.


Blu then gave Audin a questioning look dahil kunot-noong nakatingin si Audin sa kanya at kay Lucas. Pabalik-balik rin ang tingin niya sa dalawa na para bang pinaghihinalaan niya ang mga 'to. Hinilamos ni Wilder ang kamay niya sa mukha ni Audin para patigilin ito.


"Ano bang iniisip mong bata ka?"
Tanong ni Atlas kay Audin.


"Baka kasi like big brother like little brother. Hmm."
Sagot ni Audin at pinaningkitan pa sina Blu at Lucas kaya agad na kinuwelyuhan ni Lucas si Audin at sinigawan ito pero nanatiling mapanukso ang mukha ni Audin.


"Ang mapikon, bakla."
Audin teased. Lucas had to hold his anger and gently put Audin down, who now had a cocky expression on his face at tinaas-baba pa ang kilay niya. Sabay na tumingin sina Blu at Lucas sa kanya agad siyang lumapit kay Reed para humingi ng tulong.


"You know, teasing someone for being gay is rude, DinDin. Let them be gay in silence."
Mahinahong sabi ni Reed kaya siya na naman ang kinuwelyuhan ni Blu. Umiiling naman si Archer habang nakatingin siya sa team.


"Somehow, I feel so offended. Ba't ba parang ayaw niyong maging bakla? I'm gay and guess what? Mas nauna pa akong magkajowa kesa sa inyo."
Ani Archer kaya tumingin ang lahat sa kanya. Sinamaan lang siya ng tingin ni Atlas. Bigla namang nag-iba ang kulay ng mga mata ni Wilder at bigla nalang inakbayan si Atlas at nginitian ito.


"What do you say? Iwan na natin si Shinshi. Tayo nalang, total parang mga bakla na 'yung nasa team natin."
Pabirong sabi ni Wilder pero agad siyang nakatikim ng hampas mula kay Atlas dahilan para mapadaing siya sa sakit at pagtingin niya kay Shinshi ay nakakrus ang mga braso nito sa harap ng dibdib niya at nakataas ang kilay.


"You sure you want to be gay, Wilder?"
Tanong ni Shinshi kaya napaubo nalang si Wilder.


"H-Hindi ako, baka si Ash. Ewan ba natin, baka may tinatago rin silang relasyon ni Xy mula kay Dolly."
Sabay na tumama ang isang fireball at lightning ball sa mukha ni Wilder dahil sa sinabi niya at napahiga nalang siya pero tumawa rin dahil dito.

Dahan-dahan siyang umupo at tumingin sa team.


"Ba't ba kayo pikon? Baka nga si Reed at Audin—"


"Hoy! Bata pa ako at hindi ako bakla!"
Sigaw ni Audin at sinipa ang mukha ni Wilder kaya napahiga siya ulit. Shinshi thought that it was too weird and too unusual for Wilder to be saying those words kaya nung tiningnan niya si Wesy ay nakita niyang nagliliwanag ang kamay nito.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now